Province News

San Jose town gets P100T fund for educational activities

Thursday, 04 September 2008 | Philippine Information Agency

The Municipality of San Jose de Buenavista through the leadership of Mayor Rony Molina received financial assistance in the amount of P100,000.00 from Regional Synergeia Council intended for educational activities aimed at building capability of education stakeholders in the municipality. The...
+ Full Story

More News
STAY WITH ME (chapter 3) Print E-mail
Posted by Mark Aldeme Siladan   

CHAPTER THREE

NAGING miserable ang gabing iyon para kay kay Chae-rin. Hindi kasi siya makatulog. Panay ang galaw niya sa ibabaw ng higaan. May foam naming nakapatong doon pero manipis lang kaya nararamdaman pa rin niya ang matigas na kahoy sa ilalim niyon.

      May electric fan naman sa kuwartong iyon pero hindi siya sanay sa hangin na nagmumula roon. Hinahanap ng katawan niya ang lamig na nanggagaling sa aircon.

      Nasisikipan siya sa maliit na kuwartong iyon. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Gusto niya sanang buksan ang bintana pero nag-aalala siya na baka madagdagan ang nangangagat na mga insektong pumapasok sa silid.

      Alam na niya ang gagawin niya. Ikakabit niya ang kulambo na nakita niya kanina. Bumangon siya at sinindihan ang ilaw. Kahit papaano ay marunong siyang magkabit ng mosquitero. Marunong din naman siya ng ilang gawaing bahay. Hindi lang siya sanay na gawin ang mga iyon dahil may mga nagsisilbi naman sa kanila.

      Kanina pa niya naririnig na parang may nag-uusap sa sala. Malapit lang kasi sa dalawang magkatabing kuwarto ang sala ng bahay. Lumabas siya upang tingnan kung sinu-sino ang mga nag-uusap na iyon.

      Nalaman niyang sa TV nanggagaling ang munting ingay na iyon. Pero naagaw kaagad ng pansin niya ang isang lalaking nakatihaya sa nakalatag na foam sa sala. Wala itong pang-itaas. Jogging pants lang ang suot nito. Nakabaluktot ang isang tuhod nito. Ang isang palad nito ay nakalagay sa ilalim ng batok nito at ang isa naman ay nakapatong sa tiyan nito.

      May kaunting liwanag na lumabas mula sa ilaw sa kuwarto kaya nakikita niya ang butil-butil na pawis sa noo at katawan nito. Maalinsangan kasi ang panahon at walang bentilador sa sala.

      Naghanap siya ng towel sa kuwarto. Nang may makita siya ay pinunas niya iyon sa pawis nito. Maedyo naiilang siya dahil hindi siya sanay na makakita ng mga lalaking nakahubad pero nag-aalala siya na baka matuyo ang pawis sa katawan nito.

      Para sa kanya, maganda ang katawan ng lalaki. Maputi at makinis ang balat nito. Katamtaman lang ang laki ng muscles sa mga braso nito. He also had a muscular chest. Wala iyong chest hair ngunit mayroon sa bandang puson pababa. Wala rin itong abs pero flat na parang washboard ang tiyan nito. At inaamin niya na may kakaiba siyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.

      Narinig niya itong umungol ngunit patuloy lang siya sa ginagawa. Nagpasalamat siya nang tumagilid ito dahil hindi na siya mahihirapang punasan ang likod nito.

      Pagkatapos niyang patayin ang TV, inilabas niya ang electric fan mula sa kuwartong pinagamit sa kanya. Dahan-dahan niya itong pinatihaya at kinumutan pagkatapos niyang paandarin ang bentilador.

      Mahimbing pa rin itong natutulog. Kay amo ng mukha nito. Clean-cut ang buhok nito. Katamtaman lang ang tanos ng ilong at natural na mamula-mula ang manipis nitong mga labi.

      Natukso siyang haplusin ang makinis nitong mukha pero hindi niya nagawa. Ano ba’ng nangyayari sa kanya? Parang ayaw na niyang umalis sa tabi nito at gusto niyang tabihan ito sa pagtulog.

      Wake up, Chae-rin! saway niya sa sarili.

      Muli itong umungol. Bago pa ito magising, bumalik na siya sa kuwarto at sinimulan nang matulog. Habang nakapikit ang mga mata niya, pumasok sa isip niya ang dahilan niya kung bakit nandito siya ngayon sa Pilipinas.

      Bumalik sa alaala niya ang eksenang iyon.

      Isang linggo noon bago siya walang paalam na umalis, narinig niyang nag-uusap ang mga magulang niya. Nagising na lang siya nang hapong iyon na nagtatalo ang mga ito sa sala ng bahay nila. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan. Napatigil siya sa ikaapat na palapag niyon nang marinig niya mula sa Papa niya ang katotohanng iyon tungkol sa tunay niyang pagkatao.

      Hindi niya tunay na ina ang Mama niya. Isang Pilipina ang totoo niyang ina. Nabanggit din ng Papa niya ang buong pangalan nito na kaagad na tumatak sa isip niya.

      Gustong sabihin ng Papa niya sa kanya ang katotohanang iyon pero hindi sumang-ayon ang kinalakhan niyang ina sa balak nito. Pumatak ang luha mula sa mga mata niya. Tinakpan niya ang bibig niya upang pigilan ang paghagulgol. Bumalik siya sa kuwarto niya para malayang makaiyak doon.

      Tumutulo na rin ang luha niya ngayon. Gusto na niyang makita ang tunay niyang ina pero hindi niya alam kung ano ang unang gagawin para mahanap ito ngayong nasa Pilipinas na siya.

      Nami-miss din niya ang Papa niya. Pati na rin ang kinilala niyang ina. Mabubuting magulang ang mga ito sa kanya. Mahal niya ang mga ito kahit matagal na panahong itinago ng mga ito ang katotohanan. Unti-unti na ring nawawala ang sama ng loob niya sa mga ito. Nakatulugan niya ang pag-iisip sa mga ito at sa tunay niyang ina.

SUNUD-SUNOD na katok ang narinig ni Chae-rin na ikinagising niya kinabukasan.

      “Ano ba, hindi ka pa ba gigising?!” narinig niyang sigaw ng lalaki.

      “Kuya, hayaan mo muna siya. Baka inaantok pa siya. Baka hindi siya nakatulog nang maayos kagabi.” Boses naman iyon ni Trisha.

      “Ilang beses ko na siyang kinakatok, ah! Maya-maya kinakatok ko ang pinto nitong kuwarto, hindi pa rin siya nagigising. Malapit ko na nga mapuno ‘yong drum sa CR, eh.”

      Natulala siya nang pagbuksan niya ito. kagaya kagabi, itim na jogging pants lang ang suot nito. Pero nakatupi na ang dulo niyon nang lagpas-tuhod nito. Basang-basa ng pawis ang katawan nito. Pero sa halip na mailang, it made her catch her breath. Sa kung anong dahilan ay parang nahipnotismo siya habang nakatitig dito.

      “What are you staring at? Maids here awake early in the morning. Do you know what time is it now?” galit na sabi nito.

      “Kuya!” saway rito ni Trisha.

      Pero ayaw nitong magpapigil. “Start working now. Clean this whole house, do the laundry!”

      “Kuya naman. Ano ka ba?” Nahampas ito ni Trisha sa braso. “Ms. Chae-rin, don’t worry, I’ll help you,” sabi ng dalagita sa kanya. “Kuya, tumigil ka na nga. Mag-igib ka na lang do’n.”

      Tiningnan siya nito nang masama bago tumalikod. Isinalin nito sa drum ang laman ng dalawang timba na nilapag nito sa isang sulok. At lumabas na ito kaagad bitbit ang mga timba.

      Bakit ba galit ito sa kanya? Kasalanan din naman niya kasi. Nagprisinta siyang maging maid nito pero kung umasta siya ay para siyang bisita sa bahay nito. Hindi bale, mabait din naman ito. Hindi niya nakakalimutan na kuwarto nito ang ipinapagamit nito sa kanya. At lalong hindi niya makakalimutan ang tulong na ginawa nito. Habambuhay niyang tatanawing malaking utang na loob iyon.

PINUPUNASAN ni Chae-rin ng basang basahan ang sahig gamit ang kamay niya nang lumabas ang lalaki mula sa banyo. Naligo kasi ito pagkaraan ng ilang oras pagkatapos nilang kumain ng almusal. Ngayon nga ay tapos na itong maligo.

      Napatingala siya rito. Muli na naman siyang natulala. Napalunok siya at tila naubusan siya bigla ng laway. Paano ba naman kasi, nakatapi lang ito ng tuwalya. She can’t help herself but to look at him. Napakapresko, napakabango at napakalinis nitong tingnan. Basa ang buhok nito kaya may tumutulong mga patak ng tubig sa balat nito.

      At minsan pa, hindi niya napigilang humanga sa maganda nitong katawan.

      “Baka matunaw ako n’yan.”

      Kung hindi pa ito nagsalita ay hindi siya magigising sa maganda niyang panaginip.

      “What?”

      “Nothing.” At pumasok na ito sa kuwarto.

      Ipinagpatuloy niya ang ginagawa habang iniisip kung ano ang sinabi nito. Hindi niya talaga iyon naintindihan. Napangiti siya nang may maisip na magandang ideya. Magpapaturo siya kay Trisha ng lengguwaheng iyon. Mabait sa kanya ang dalagita. Sa katunayan, ang damit na isinusuot niya ngayon ay pagmamay-ari ni Trisha. Magkasinlaki na sila at kalahating pulgada na lang ay magkasintangkad na sila sa murang edad nito.

      Gamit naman niya ang paa niya sa pagpupunas ng sahig nang lumabas ito sa kuwarto. Nakabihis na ito. Simpleng T-shirt at maong shorts ang suot nito.

      “Tama na ‘yan. You take a rest.”

      Pinagpapahinga siya nito? Mabuti naman. Kanina pa kasi siya naglilinis ng bahay. Maliit lang naman iyon. May dalawang kuwarto malapit sa sala. Isang divider ang pumapagitan sa sala at kusina. Pero hindi madali sa kanya ang maglinis ng buong bahay. Paano, hindi naman niya ginagawa iyon. Ngayon lang.

      “Thank you.” Dinampot niya ang basahan. Lalabhan n asana niya iyon sa timba na may tubig at bumubulang sabon nang magsalita ito.

      “Terence.”

      “What?”

      “I said Terence. My name is Terence.”

      “Terence,” ulit niya. “I’m Chae-rin. Kim Chae-rin.” Kapag binabanggit kasi ang pangalan ng isang tao sa kanila ay nauuna ang apelyido.

      “Okay.”

      Iyon lang naman pala. Akala niya ay kung ano na ang sasabihin nito. Anyway, it was nice knowing his name. Para sa kanya, kaysarap banggitin ng pangalan nito. Kaya naman sa isip niya, paulit-ulit niya iyong binanggit. Terence, Terence, Terence.

HUMIHINGAL si Trisha nang dumating ito nang tanghaling iyon. Mukhang tumakbo ito pauwi ng bahay. Nagpalam ito kanina sa kanya na pupunta ito sa library malapit sa isang simbahan. May ni-research itong project. Kaagad nitong binuksan ang TV nang makaupo ito sa sofa sa sala.

      Isang eksena mula sa series niyang The Themesong ang nakikita niya sa telebisyon. It was dubbed in Philippine language.

      “Hay, salamat, naabutan ko pa.” Huli na nang napansin siya nito sa kabilang sofa. Hawak pa niya ang magazine na binabasa niya kanina bago ito dumating. “Ms. Chae-rin, I’m sorry I didn’t notice you.”

      “It’s okay. The Themesong?” tanong niya.

      “Yes. Your series.” Sinabi rin nito na natapos na iyon sa primetime dalawang lingo na ang nakararaan. At dahil sa kahilingan ng taumbayan, ni-replay ito weekdays bago magsimula ang pinakasikat na noontime show ngayon.

      Tuwang-tuwa siya sa nalaman. Pero bigla rin siyang nalungkot nang maalala ang drama series niya na in-the-making pa lang. anon a kaya ang nangyari roon?

      “Ate Trisha!” Napatigil siya sa pag-iisip nang marinig ang tawag ng isang batang lalaki. Ito ang batang natutulog sa sofa kahapon.

      “Abet! Ang aga mo yata.”

      “Ay, akala ko po Wowowee na.” Umupo ito sa tabi ni Trisha.

      “Ikaw talaga.” Ayon kay Trisha, kaya nakikinood ng TV si Abet sa kanila dahil nagsasawa daw itong manood sa bahay ng mga ito. Nahihilo daw ito sa pagpapalipat-lipat ng channel ng kuya nito.

      “Sino po siya?” tanong ng limang taong bata habang nakatingin sa kanya.

      “Siya si Ms. Chae-rin.”

      “Ms. Charlene?”

      “Ms. Chae-rin,” ulit ni Trisha.

      “Ms. Charlene.” Hindi talaga masabi ng bata ang Chae-rin.

      Sabay silang natawa ni Trisha. Bakit, maganda naman ang pangalang iyon, ah? Kaya sinabi niya sa mga ito na mula ngayon, iyon na lang ang itawag sa kanya. Kunsabagay, nagra-rhyme naman ang Chae-rin at Charlene.

      “Hi, Ms. Charlene. Ako po si Abet.”

      Binati rin niya ang bata.

      “So, you have a new name.” Si Terence iyon. Dumating na ito. nagpaalam ito sa kanya kanina na pupunta kina Ronan upang humiram ng libro na dala na nito ngayon.

      “Call me Charlene from now on,” sabi niya rito.

      “Have you cooked lunch?” sa halip ay tanong nito.

      “No. I don’t know how to cook you food.”

      “What kind of maid are you?”

      “I’m sorry.”

      “Kuya, sumusobra ka na, ah. Hindi ka ba nakakaintindi? Ano naman ang alam niya sa pagluluto ng pagkain natin?” pagtatanggol sa kanya ni trisha.

      Hindi na ito nagsalita.

      “Si Ms. Charlene!” bulalas ng bata sabay turo sa telebisyon.

      Napatingin ang lahat doon. Binabalita sa news flash na iyon ang nangyari kahapon sa airport.

      “Kuya Terence, ‘and’yan ka rin, o!” sabi ng bata sa lalaki.

      Nang matapos ang pagbabalita ng newscaster, nakiusap siya kay Trisha na i-translate sa English ang ibinalita kanina nito.

      At napag-alaman niyang kalat na kalat na sa buong South Korea ang bigla niyang pagkawala. Alam na rin daw ng media roon na nadito siya sa Pilipinas. Pinaghahanap na siya ngayon dito.

      Oh, my God. Muli ay bigla siyang nag-alala. Ayaw niyang matagpuan siya. Hindi siya babalik ng Korea hangga’t hindi niya nakikita ang tunay niyang ina.

      “Help me. I want to find my mother before I go back to Korea,” naaalarmang wika niya. “Please help me,” pakiusap niya kay Terence sabay hawak sa mga braso nito.

 

                                                                                                           (to be continued...)


Add as favourites (12) | Quote this article on your site | Views: 395

Comments (4)
1. 30-11-2007 22:23
 
hmmm...
typical na tagalog lovestory novels, walang pinagkaiba sa mga nabasa ko na. ito yong klase ng nobela na simula pa lang ay alam mo na ang katapusan. happy ending ano pa,hehe. pero pangmasa to,hehe. ibig sabihin, kikita. i'm just hoping for a unique story, yong hindi inaasahan na "twist" ng mambabasa. more power!
Registered
 
zeanra7
2. 30-11-2007 22:24
 
hmmm...
typical na tagalog lovestory novels, walang pinagkaiba sa mga nabasa ko na. ito yong klase ng nobela na simula pa lang ay alam mo na ang katapusan. happy ending ano pa,hehe. pero pangmasa to,hehe. ibig sabihin, kikita. i'm just hoping for a unique story, yong hindi inaasahan na "twist" ng mambabasa. more power!
Registered
 
zeanra7
3. 01-12-2007 16:02
 
hmmm...
yeah, it's so typical, everything is typical. but some scenes man guro, iba man. hehe. kasi dapat happy ending gid. pinoys hate sad endings. pero para kanakun, okay lang ang sad pero hindi gid pwede mong sa PHR and also they based on how you write the story. so kung complicated ang story, budlay magsulat. mas simple, mas hulas, kag mas nami at the same time. but i like your idea. pwede guro ra himuon kun magka-series ako. it depends kasi on the theme of the series. advance gid ako ba. wara pa gani ti napublish bisan sara. hehe.. anyway, thanks for the comment, zeanra7. gud day. God bless us.
Registered
 
marK007
4. 10-12-2007 11:29
 
san-o mo ja sugpunan?
hey mark, 
 
san-o mo ja sugpunan? ginahulat ko sugpon na pro,hehe...tapusa ay, bitin!
Registered
 
zeanra7

Only registered users can write comments.
Please login or register.

Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6
AkoComment © Copyright 2004 by Arthur Konze - www.mamboportal.com
All right reserved

 

 Image Image Image
ImageImage