Saturday, November 22, 2008
Text Size
   
STAY WITH ME (chapter 2) Print E-mail
Posted by Mark Aldeme Siladan   

CHAPTER TWO

KITANG-KITA ni Chae-rin ang panginginig ng mga kamay ng lalaki habang tinatanggal nito ang silver-gold pendant at bracelet niya. Ipinaliwanag nito kung bakit nito ginagawa iyon sa kanya sa nanginginig ding boses.

      “He also s-said to l-leave your bag,” sabi pa nito.

      “W-what? Oh, my God! This is… this is… I can’t believe this is happening.” Hindi niya alam kung ano’ng gagawin.

      “Will you please… relax?” mahina pero matigas na wika nito.

      “You want me to relax? C-can’t you see we are in trouble?’ Tarantang-taranta na siya.

      “Yes, I know it. But we don’t know what’s on his mind. We don’t know what he can do to us,” mariing paliwanag nito. “Please cooperate with me. L-let’s just follow him, okay?”

      Bumuntong-hininga siya nang malalim. “Oh, my God. Oh, my God. I really can’t believe this.” Pakiramdam niya nanlalamig ang buo niyang katawan. Ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa kanya. Pilit niyang pinakalma ang sarili.

      “Akin na!” Tinutukoy ng tsuper ang maga alahas na ipinatanggal nito sa lalaki mula sa kanya. Awtomatikong ibinigay naman ang mga iyon ng lalaki. Pinababa sila ng driver sa sasakyan pagkatapos.

      At kaagad nitong pinaharurot ang taxi pagkababa nila.

      “Shit,” mura ng lalaki habang sapo nito ang noo. “Shit. Shit!” sigaw nito sa papalayo na gagong hold upper.

      “I hate this! What should I do? I have nothing left.” Sumigaw siya.

      “Akala mo ba ikaw lang ?” baling nito sa kanya. “Me also. And you know what, this is all your fault.” Sinisisi siya nito.

      Walang salitang lumabas mula sa bibig niya. Ano nga ba ang maisasagot niya? Mukhang tama naman ito. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana ito nadamay sa mga nangyari.

      “I’m sorry,” sabi na lang niya kasabay ng pagyuko.

      “Ano’ng magagawa ng sorry mo? Bahala ka na nga d’yan!” Mabilis nitong inihakbang ang mga paa palayo sa kanya.

      “Kidarida. Wait!” Hinabol niya ito.

      “Bitawan mo nga ako. Stay away from me!” Iwinaslik nito ang mga kamay niya na nakahawak sa braso nito.

      Bumitaw siya. “Are you mad at me? Please… please don’t be mad at me,” pakiusap niya sa naiiyak na tinig. At tuluyan nang pumatak ang nangingilid niyang luha sa mga mata.

      “Will you stop crying? Akala mo madadala mo ako sa pag-iyak-iyak mo riyan? Hell, no! I don’t pity you. Bakit, who are you? I don’t know you. I don’t even know your name,” singhal nito.

      Hindi na niya pinapansin ang kung ano mang lennguwaheng hinahalo nito sa mga sinasabi nito dahil hindi naman niya maintindihan ang mga iyon. Ang mga English words lang ang pinapakialaman niya.

      “Please… I don’t know what to do. I don’t know this place. I have no family here nor a friend.”

      “Iyon naman pala, eh. Why did you come here?”

      “Because I want to find someone.”

      “Sino? Boyfriend mo?” Ngumisi ito.

      “I have no boyfriend.”

      “So, who?”

      “I will tell you later. Help me first.” Tumigil na siya sa pag-iyak.

      Tumahimik ito sandali.

      “But how?” Naaawa na siguro ito sa kanya.

      “Please give me a place to stay. I-in your house.”

      “What?”

      “I have no money left. I can’t afford to rent a condominium nor the cheapest apartment.”

      “Bakit hindi mo—“

      “Please… please…” putol niya sa sasabihin nito. “I’m willing to be your… your… maid.”

      “Maid?” kaagad na dugtong nito. Napaisip ito.

      “Y-yes. As my payment for my stay in the place you will give me.” Hindi siya makapaniwala sa sinabi niya.

      Maid? Napaisip din siya. Ano ba ang nasabi niya? Kaya ba naman niya ng gumawa ng mga gawaing-bahay? Sa Korea, sikat siya at pinagsisilbihan. Tapos dito sa Pilipinas, magiging isa siyang ordinaryong tao na nakatakdang magsilbi? Gusto na yata niyang bawiin ang sinabi niya.

      “W-what can you say?” Pero dinadalangin niya na sana huwag itong pumayag.

      “No, we don’t need a maid. I’m sorry, I can’t help you.” Ipinagpatuloy nito ang paglalakad.

      “No, don’t leave me. I need your help. Please help me.” Umiyak na naman siya. Sumunod siya rito.

      Hindi siya pinapansin nito. Pabilis nang pabilis ang paglalakad nito. Binibilisan din niya ang mga hakbang niya para makasunod dito. Natapilok siya sa sobrang bilis ng paglalakad. Napasigaw siya sa sakit na dulot niyon habang tinutukod ang mga palad sa sementadong daan.

      Ang walang pakialam! Patuloy pa rin ito sa paglalakad. Pero bigla itong tumigil nang nilakasan niya ang pagsigaw. Halos tumakbo na ito para balikan siya.

      “A-are you alright?” nag-aalalang tanong nito nang makalapit sa kanya. Concerned din pala ito sa kanya.

      “Obviously, no. Can’t you see?” pagtataray niya.

      Inalalayan siya nitong tumayo.

      “Thank you,” aniya habang paika-ikang naglalakad. Muntik n asana siyang matumba dahil na-out balanced siya. Mabuti na lang at maagap ang mga kamay nito.

      “Halika na nga.” Nagulat siya nang bigla siyang binuhat nito. “Hindi ka kasi nag-iingat.”

      Kahit na hindi niya naiintindihan ang mga salitang iyon, alam niyang pinagsabihan siya nito. Kahit na magkasalubong ang mga kilay nito, alam niyang nag-aalala ito sa kanya.

LULAN na sila ng bus patungong SM Fairview. Mabuti na lang at kilala ni Terence ang kundoktor ng bus. Kapitbahay nila ito. Ito na muna ang mamamasahe sa kanila at babayaran lang niya iyon pag-uwi nito.

      Magkatabi silang umupo ng dalaga. Nasa tabing-bintana ang puwesto nito. Nang tingnan niya ito, pagkatapos ng pag-uusap nila ng kundoktor, tahimik itong nakadungaw sa labas. Nakasandal ang ulo nito sa nakasarang transparent na bintana.

      “A-are you okay?” tanong niya rito. Hindi yata nito narinig iyon dahil nanatili pa rin itong tahimik. Mahina niyang siniko ang braso nito.

      Napatingin ito sa kanya. Then their eyes met. Medyo may katagalan din iyon.

      “Yes?” basag nito sa katahimikang namagitan sa kanila.

      “N-nothing. Ah… are you okay?” ulit niya sa tanong niya kanina rito.

      “Yeah,” matipid nitong sagot.

      Tumangu-tango lang siya at idiniretso ang tingin sa unahan. Sa gilid ng mata niya, nakita niyang ibinalik uli nito ang tingin sa labas ng bintana.

      Mukhang malalim ang iniisip nito. She might have some problem. Kung ganoon nga, pareho lang naman sila. Sino ba naman ang walang problema sa mundong ito?

      Pumasok bigla si Eunice sa isip niya. Si Eunice, mahal na mahal niya ito. Pero saglit niya itong nakalimutan nang dumating ang babaeng katabi niya ngayon. Ano kaya ang nagyari kay Eunice? Naiwan nga kaya ito ng eroplano? Bakit nagbago ang isip nito na sa susunod na taon na lang uuwi?

      Verse two na ng kantang Ngiti ni Ronnie Liang ang naririnig sa buong bus nang buksan ng driver ang stereo. Ipinikit ni terence ang kanyang mga mata. Mayamaya ay napamulat siya nang maramdamang may dumikit sa balikat niya.

      Nakatulog ang dalagang katabi niya kaya hindi nito namalayang naipatong nito ang ulo sa balikat niya. Hinayaan lang niya ito. Sa halip ay inayos pa niya ang pagkakaupo para maging maayos ang pagkakasandal nito.

      Narinig niyang umungol ito. Gumalaw ito at yumakap sa baywang niya habang nakapikit pa rin. Medyo nagulat siya sa ginawa nito pero pinabayaan lang niya iyon. Ayaw niyang maistorbo ang pagtulog nito. Alam niyang ito ay pagod.

KAAGAD na dumistansiya si Chae-rin sa katabing lalaki. Pagmulat niya kasi ng mga mata ay natagpuan niya ang sarili na nakayakap sa baywang nito.

      Nagising ito sa bigla niyang ginawa. Nakatulog din pala ito. Umiwas siya ng tingin dito at inayus-ayos ang sarili. Sa gilid ng mata niya, nakikita niya na lumilinga-linga ito sa paligid.

      Tumikhim ito. “We’re here,” pag-i-inform nito.

      Natatanaw na rin niya ang isang mall sa may di-kalayuan. Tumikhim din siya.

      Oh, my God, what should I do? Pakiramdam niya kasi ay wala siyang mukhang maihaharap pagkatapos mahiya sa nagawa niyang pagyakap dito. Bakit, sinasadya ba niya iyon? Napasarap lang siya sa pagtu log na akala niya ay natutulog siya sa kama niya at kayakap ang isang unan.

      Pero nahihiya pa rin siya. Hindi siya makatingin nang diretso rito. Mukhang wala lang naman dito ang nagawa niya. Bakit ba hiyang-hiya siya?

      “If you are thinking about what you have done, it’s okay,” kapagkuwan ay sabi nito.

      Halata bas a kilos niya na naiisip niya iyon? O baka naman kaya nitong magbasa ng isip ng isang tao.

      “N-no, I’m not,” pagkaila niya.

      Ngumisi at umiling-iling ito.

      Gusto niyang tarayan ito but she calmed herself. Hinayaan na lamang niya ito. Bahala nga ito kung ano’ng isipin nito sa kanya. She doesn’t care!

BUMABA sila ng SM Fairview at pumasok doon. Para kay Chae-rin, maganda ang mall na iyon. Gusto niyang mamasyal doon minsan.

      Sumusunod siya sa lalaki. Ilang sandali pa ay lumabas sila sa exit door na kaharap ng isa pang mall, ang Robinson’s Novaliches.

      Kumapit siya sa braso nito nang tumawid sila sa highway para lumipat sa kabila. Natatakot siyang mabangga ng mga sasakyang dumaraan. Hindi naman kasi siya sanay tumawid sa highway.

      Ang akala niya ay magre-react ito sa ginawa niyang pagkapit sa braso nito pero hindi iyon nangyari. Ni hindi nga siya nito tiningnan.

      Bumitaw rin siya nang makalipat sila sa kabila. Tumungo sila sa paradahan ng tricycle at pumila. Sila na sana ang susunod na sasakay nang hinila siya nito patungo sa carpark.

      “Ronan, pare!” tawag nito sa lalaking papasok sa kotse.

      “O, umuwi ka pala,” bulalas ng lalaki.

      “Oo. Biglaan nga, eh.”

      “At may kasama ka. Sino ‘yan? Wala na ba kayo ni Eunice? Hindi ba dapat si Eunice ang kasama mo nagayon?” pabulong na tanong nito.

      “Kahit lakasan mo pa ang boses mo, hindi ka naman maiintindihan n’yan, eh. Koreana kaya ‘yan. At saka, nagkakamali ka ng iniisip. Hindi ko siya girlfriend. Kami pa rin ni Eunice. Hindi pala natuloy ang pag-uwi niya.”

      “Gano’n ba? Bakit daw?”

      “Huwag mo sanang masamain, pare. Puwede mamaya na tayo mag-usap? Gutom na gutom na kasi ako, eh.” Hinimas-himas nito ang tiyan.

      “Eh, ‘di tara, kumain muna tayo sa fastfood,” yaya ni Ronan.

      “Hindi ka pa ba uuwi?”

      “Pauwi na nga ako, eh. May hinatid lang ako.”

      “Kung gano’n, sa bahay na lang tayo kumain.”

      “Ililibre naman kita, eh. Kayo.” Tumingin sa kanya si Ronan.

      “Huwag na, pare. Nakakahiya na sa ‘yo.”

      “Ikaw ang bahala. Hindi na kita pipilitin.”

      Pumasok na sila sa sasakyan. Sa tabi ng driver’s seat ito umupo. Siya naman ay sa likod.

      Nice car, aniya sa sarili habang inililibot ang mga mata sa interior ng kotse. Natitiyak niyang mayaman ang may-ari nito na nagmamaneho ngayon. 

      Patuloy sa pag-uusap ang dalawa. Panay ang sulyap ng mga ito sa kanya. Sigurado siyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Humalukipkip siya. So what? pagtataray ng isip niya.

“KUYA!” bulalas ng kinse anyos na dalagita nang mabungaran ang lalaki pagbukas nito ng pinto ng bahay na iyon. Yumakap dito ang dalagita. “Na-miss kita, Kuya.”

      “Ako rin Trisha.” Yumakap din ang lalaki rito. “Si Itay, kumusta?” tanong nito nang kumalas.

      “Okay naman. Hindi ‘yon makakauwi mamaya dahil a-attend ng birthday ng amo nila. Doon daw sila matutulog. Bukas na siguro iyon uuwi.”

      “Gano’n ba?”

      “Bakit hindi ka nag-text na uuwi ka?”

      “Wala na akong cellphone.”

      “Ha?”

      “Mamaya ko na ikukuwento. Mahabang ‘storya. Kakain muna ako.”

      “Sige, Kuya. Kuya Ronan!” Nangamusta si Trisha sa lalaking kasama ng kuya nito. “At sino naman siya, Kuya?” Nakatingin ito sa kanya.

      “Ah, siya si… What’s your name again?”

      Sasagot na sana siya nang magsalita si Trisha. “F-Francine?” nagtatanong pero halatang sigurado ito sa inaakala nito.

      Nakangiting tumango siya.

      “Ikaw nga! Si Francine ng The Themesong! Si Kim Chae-rin.” Excited na wika nito. “Naku, Kuya, sikat siya sa Korea!”

      Naalala niya ang sinabi ng lalaki na itatanong nito sa nakababata nitong kapatid na babae kung kilala siya. Mahilig palang manood ng mga TV series ang kapatid nito.

      “Pasok ka. Tuloy. Halina kayo. Kuya Ronan, Kuya,” yaya ng dalagita.

      Tumuloy sila pagkatapos hubarin ang mga sapin nila sa paa. Nakatitig sa kanya ang dalawang lalaki. Hindi makapaniwalang isa siyang artista, isang sikat na aktres.

      “Naku, Miss Chae-rin, pasensiya ka na, magulo itong bahay,” ani Trisha habang nililigpit ang foam na nilatag nito sa sala. Humiga siguro ito roon habang nanonood ng TV. Binuhat nito ang natutulog na bata sa sofa.

      “Si Abet?” tanong ng lalaki, ang kuya ni Trisha.

      “Oo, Kuya. Alam mo na, nanood ‘to kanina ng cartoons. At heto, nakatulog. Ililipat ko muna siya sa kuwarto.”

      “Sige.” Tumingin ito sa kanya. “So, you are really a celebrity.”

      “Y-yes,” medyo nahihiyang wika niya.

      “Nakakainggit ka naman, pare. Imagine, isang artista sa ibang bansa ang pumasok dito sa bahay n’yo,” sabi ni Ronan. “Pare, puwede mo itong sabihin sa media. Tiyak pati ikaw sisiskat din.”

      “Ano ka ba? Hoy, huwag mo itong ipagkalat, ha?”

      “Ayaw mo ba no’n? Malay mo maging artista ka rin. Sa gandang lalaki mong ‘yan, tiyak ‘yon!”

      “Tumigil ka nga. Alam mo, kakain na ako. Gutom na talaga ako. Let’s eat,” yaya nito sa kanya.

      Inaamin niyang gutom na siya. Kanina pa. Pero ayaw niyang kumain. Baka hindi niya masikmura ang pagkain na ihahain nito. Kaya naman ay tumanggi siya. Hindi rin siya pinilit nito.

      “Tara, pare, samahan mo ako sa kusina. Doon tayo magkuwentuhan. Hindi ba sabi ko, marami akong ikukuwento sa ‘yo?”

      Naiwan siyang mag-isa sa sala. Itinutok niya ang mga mata sa nakabukas na TV.

      “Pasensiya ka na, Miss Chae-rin. Nagising kasi ‘yong bata, pinatulog ko uli,” ani Trisha nang nakalabas na ito ng kuwarto.

 “Trisha, English-in mo. Hindi ka n’yan naiintindihan,” sabi ng lalaki mula sa kusina.

      “Ay, oo nga pala. I’m sorry. Abet woke up so I made him sleep again,” paliwanag ni Trisha.

      “It’s okay,” matipid na sagot niya.

      Napasulyap siya sa wall clock. Tatlumpo’t limang minuto pagkatapos ng alas-kuwatro ng hapon.

      “Aren’t you hungry?” tanong nito sa kanya. “Kuya, ba’t ‘di mo siya pinakain?”

      “Eh, ayaw niya kaya.”

      “Ba’t hindi mo nilutuan ng noodles? Baka iniisip niya na baka hindi matanggap ng sikmura niya ang pagkain natin.”

      “Ikaw na ang magluto. ‘Kita mong kumakain ang tao, eh. ‘Tsaka nag-uusap kami ng Kuya Ronan mo.”

      “You want me to cook noodles?” tanong ni Trisha sa kanya.

      “Yes,” kaagad na sagot niya.

      “Huwag, Trisha,” pigil ng lalaki sa kapatid nito na pupunta na sana sa kusina. Malapit na ito sa kanila ngayon. “Alam mo ba kung bakit siya nandito?”

      “Oo nga, Kuya. Bakit nga pala siya nandito? Paano mo… Paano kayo—“

      “Sa kanya mo ipaluto ang noodles. Tutal, magiging maid naman natin siya rito.”

      “Ha? Tama ba ang narinig ko, Kuya?”

      “This is our house. This is the place where you will stay. You said you are willing to be our maid as your payment, right?” baling nito sa kanya.

      Tumango siya.

      “Ano, Kuya? Dito siya titira? ‘Tapos gagawin mo siyang maid? Ano ba ang nangyayari, Kuya?”

      Hindi nito pinansin ang naguguluhang kapatid. Muli itong humarap sa kanya. “Now, you can start doing your work as our maid.”

      Oh, my God. What should I do?

      Kakayanin ba niya ito?

 

 

                                                                                                            (to be continued...)


Add as favourites (19) | Quote this article on your site | Views: 615

Be first to comment this article

Only registered users can write comments.
Please login or register.

Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6
AkoComment © Copyright 2004 by Arthur Konze - www.mamboportal.com
All right reserved