Province News

San Jose town gets P100T fund for educational activities

Thursday, 04 September 2008 | Philippine Information Agency

The Municipality of San Jose de Buenavista through the leadership of Mayor Rony Molina received financial assistance in the amount of P100,000.00 from Regional Synergeia Council intended for educational activities aimed at building capability of education stakeholders in the municipality. The...
+ Full Story

More News
STAY WITH ME (chapter 1) Print E-mail
Posted by Mark Aldeme Siladan   

CHAPTER ONE

ILANG minuto na lang ay makakarating na siya sa kanyang destinasyon. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang papalapit na siya. Excited siya pero kinakabahan.

      Nasasabik siyang makita ang isa sa mga importanteng tao sa buhay niya na hindi niya nakita ni minsan mula pagkabata. Pero kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung saan magsisimulang hanapin ito.

      Hindi niya alam kung ano ang itsura nito. Tanging ang pangalan lang nito ang alam niya. At wala siyang kaalam-alam tungkol sa lugar na pupuntahan niya. Kanina pa siya tahimik habang iniisip ang puwedeng mangyari sa kanya sa Pilipinas.

      Nalilito rin siya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag nakaharap na niya ang taong sisimulan pa lang niyang hanapin doon. Pinakalma na lang niya ang sarili sa pamamagitan ng pakikinig ng music.

      Siya si Kim Chae-rin. Tinagurian siyang Korea’s Princess of Melodrama. Bukod sa pagiging bantog na aktres, isa na rin siyang sikat na commercial model sa Korea. Lahat ng tagumpay na ito ay nakamit niya sa batang edad. She’s only twenty.

      Ngunit nang aksidente niyang natuklasan ang tungkol sa tunay niyang pagkatao, walang paalam na iniwan niya ang kanyang magandang career. Kahit sa kanyang mga magulang ay hindi niya nagawang ipaalam ang biglaan niyang desisyon. Ni ang pagpayag ng mga ito na umalis siya ay hindi niya hiningi. Parang bigla na lang siyang naglaho na parang bula.

      Inaamin niya sa sarili niya na may galit siyang nararamdaman sa mga magulang niya dahil inilihim ng mga ito sa kanya ang totoo. Sino ba naman ang hindi sasama ang loob?

      Sigurado siyang pinaghahanap na siya ngayon. Hindi lang ng parents niya kundi pati na rin, siyempre, ng media. Ang totoo niyan, may bagong TV series pa siyang hindi natatapos i-shoot. Hanggang episode twenty iyon. Nasa fourteenth episode pa lang sila.

      At marahil ay nag-aalala rin siguro ang ex-boyfriend niya na naging partner niya sa TV series niyang The Themesong. Ah, hindi na siguro. Hindi na rin siya umaasa. Pero naiisip pa rin niya ito hanggang ngayon. Kabi-break lang nila nito last month. Misunderstanding ang dahilan. Akala kasi nito ay boyfriend niya ang kasama niyang lalaki noong nakita sila nito sa isang mall. Nagalit kaagad ito. Pero ang totoo, pinsan niya ang kasama niyang iyon. Hindi man lang siya nito hinayaang magpaliwanag.

      Mula noon ay hindi na sila nagkikita. Kung magkakasalubong man sila ay hindi siya nito pinapansin. They had no formal break-up. Masakit sa kanya ang nangyari. Sobra. Si Choi In-woo kasi ang first boyfriend niya. Mahigit isang taon din silang naging magkasintahan.

      Tinanggal niya ang earphone sa kanyang tenga at pinatay ang MP3 na pinapatugtog niya. Malapit siya sa bintana at madalas ay napapasulyap siya sa labas. Ngayon naman ay bahagyang tumingin siya sa asul na ulap at mahinang nagdasal sa Itaas na tulungan siya at gabayan sa lahat ng gagawin niya. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan ngayon kundi ang sarili niya at higit sa lahat, ang Poong Maykapal.

PANAY ang tingin ni Terence sa wristwatch niya. One forty-three ng hapon ang oras nang huling sumulyap siya roon. Panay rin ang tayo’t upo at paroo’t parito niya. Hindi siya mapakali sa sobrang kaligayahan. Normal lang naman iyon sa isang taong nakakadama ng labis na excitement.

      Makikita na niya kasi ang girlfriend niya. Twenty-four months na nilang hindi nakikita ang isa’t isa. Nakakapag-communicate naman sila through text, call, e-mail at chat na minsan ay gamit ang webcam. Pero iba pa rin talaga kapag personal silang nagkikita ay nag-uusap. And finally, after two years, muli na niya itong mayayakap at mahahagkan.

      Third year high school sila nang makilala niya ito at kaagad na niligawan. Transferee kasi ito. Sinagot siya nito noong graduating na sila sa mataas na paaralan. Natural lang naman sa magnobyo ang mag-away pero siya ang unang nakikipagbati kahit pa ito minsan ang may kasalanan. Mahal na mahal niya ito at alam din niyang ganoon din ito sa kanya.

      Muli siyang sumulyap sa wristwatch niya. It’s a minute after two. Tuwang-tuwa siya nang makita sa may hindi kalayuan ang eroplanong hinihintay niya. Flight iyon from Korea. Sa bansang iyon nagtatrabaho ang girlfriend niya bilang programmer sa isang malaking business firm doon. Graduate ito ng dalawang taong Computer Programming sa isang kilalang computer learning center na may university na rin ngayon.

      Matalino ito. Madiskarte rin kaya madaling nakapasok sa trabaho at sa ibang bansa pa. Kunsabagay, may tiyahin kasi itong nakatira na sa Korea dahil nakapag-asawa ng isang mabait na koreano.

      Siya naman ay fifth year na sa kursong Civil Engineering. Matalino rin siya kaya napanatili niya ang scholarship niya. Sa katunayan, candidate siya for cum laude.

      Mahirap lang sila at tanging ang ama na lang niyang isang taxi driver ang tumutulong sa kanya sa pag-aaral. Tatlong taon nang sumakabilang-buhay ang kanyang ina. Kaya nag-aaral talaga siya nang mabuti. Para na rin sa magandang kinabukasan nila balang araw.

      When the plane is about to land, inihanda niya ang pumpon ng pulang rosas na binili niya sa isang flower shop kanina. Nag-ipon siya para mabili iyon. Ugali na niyang magbigay ng bulaklak dito, may okasyon man o wala, kahit na simple at mumurahin lang. Galing naman sa puso niya ang pagbibigay ng mga iyon. Pero sa pagkakataong ito, gusto niyang gumastos ng kaunti.

      Inamoy niya ang preskong mga bulaklak. Napapikit siya sa bangong taglay ng mga iyon. Siguradong matutuwa siya nito, sabi niya sa sarili. Mahilig kasi ito sa mga bulaklak. That’s why he’s very sure that she would be truly happy.

      Habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga pasaherong lumalabas mula sa kala-land na eroplano, naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng kupas na niyang maong na pantalon. May nag-text. Mula iyon kay Eunice, ang girlfriend niya.

      Napaisip siya bigla. Kumunot ang noo niya. Pero napangiti rin siya sa isa pang naiisip. Excited din siguro itong makita siya at hindi na makatiis kaya nag-text. Tahimik niyang binasa ang text message.

      I’m sorry, Terence. Na-late ako sa flight ko. The plane has already left when I arrived at the airport. Nagbago na rin ang isip ko. Next year na lang ako uuwi. I’m really, really sorry.

      Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. Ganoon na lang ba iyon? Para siyang binuhusan ng isang timba ng malamig na tubig. Nabitawan niya ang hawak na isang pumpon ng bulaklak. Parang lantang gulay siyang naglakad at umupo sa upuan sa waiting area.

TINANGGAL ni Chae-rin ang suot niyang colored eyeglasses pagkababa niya ng eroplano. Tumingin-tingin siya sa paligid. Mukhang maganda rin naman ang lugar. Dahan-dahan siyang naglakad habang hila-hila ang de-gulong niyang travel bag. Tumigil siya sandali upang bumuntong-hininga.

      Itutuloy pa ba niya ito? Puwede siyang bumalik ng Korea kung gugustuhin niya. Pero kakayanin niya ito. Gusto niyang makita ang taong iyon na dapat noong unang sandali pa lang na nakita niya ang mundo ay nakita na rin niya ito. Hindi niya ito makikita kung hindi niya lalakasan ang kanyang loob.

      Pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid niya. Nag-uusap pa ang iba habang titig na titig sa kanya. Pakiramdam niya tuloy isa siyang alien sa lugar na iyon. Correction, she’s a stranger, not an alien. Halos lahat kasi ng tao ay nakatingin sa kanya. Para namang siya pa lang ang unang koreana na napadpad sa Pilipinas. Ano ba’ng meron sa kanya?

      Maganda siya. Totoo iyon. Maraming nagsasabi niyon sa kanya. Mahaba ang diretso at malambot niyang buhok. Bilugang singkit ang mga mata niya. Ang ilong niya ay tama lang ang tangos. Manipis ang mga labi niya. Ang ngipin niya ay maputi at pantay-pantay. Makinis ang maputi niyang balat at bagay ang slim niyang figure sa tangkad niyang limang metro at anim at kalahating pulgada.

      “Hindi ba si Francine ‘yan?”

      “Baka kamukha lang.”

      “Hindi, siya talaga ‘yan. Tingnan mong mabuti, si Francine ‘yan.”

      “Ay, oo nga, ‘no?”

      Hindi niya naiintindihan ang naririnig niyang mga bulong-bulungan pero alam niyang ang Francine ay pangalan ng isang tao. Sino si Francine? Hindi niya iyon kilala. At lalo namang hindi siya iyon. Pero bakit sa kanya nakatingin ang mga taong ito habang binabanggit ang pangalang iyon?

      Hindi na nakatiis ang isa sa dalawang babaeng nag-uusap sa bandang kanan niya. “Francine?” tanong nito nang makalapit sa kanya.

      Hindi siya nagsalita. Sa halip ay medyo mabilis niyang inihakbang ang kanyang mga paa. Gusto niyang iwasan ito pero sumunod ito sa kanya pati na rin ang kasama nito habang kinukumpirma pa rin kung siya nga ba si Francine.

      Mabilis niyang ibinalik ang eyeglasses sa mga mata niya at tumakbo na dahil narinig niyang tinatawag na rin siya sa pangalang iyon ng halos lahat ng taong naroroon. Nakaramdam siya ng kaba. May nagawa ba siyang kasalanan? O krimen? Baka kamukha lang niya ang taong gumawa ng kasamaang iyon.

      Pero nawala rin bigla ang naisip niyang iyon. Naalala niya kasi noong nakita siya ng mga fans niya na nagsa-shopping sa isang mall. Pinagkaguluhan siya ng mga ito. Iyon ang nakikita niya sa nangyayari ngayon.

      “Si Francine ng The Themesong!”

      Nang marinig niya ang sigaw na iyon, alam na niya kung bakit siya pinagkakaguluhan nang mga sandaling iyon. Malinaw na malinaw na sa kanya ang lahat.

      Francine pala ang ipinalit ng Philippines na pangalan niya sa series niyang The Themesong. Cha Il-jin kasi ang pangalan ng character niya sa original version ng nasabing series. At nakalimutan niya ang sinabi ng SBS management that The Themesong is very popular in the Philippines.

      Ang SBS o ang Seoul Broadcasting System ang isa sa mga nangungunang broadcasting network sa Korea. Dito in-air ang sumikat niyang serye na iyon. Dito rin nagmula ang sumikat ding mga Korean series sa Pilipinas tulad ng Save The Last Dance For Me, Lovers In Paris, Only You, Green Rose, Stained Glass, Memories In Bali, et cetera. At sa SBS din ipapalabas ang hindi pa natatapos niyang series which is entitled Scent Of Romance.

      Sunud-sunod ang naririnig niyang camera flash. Kinukuhanan na rin siya ng pictures ngayon. Hindi lang ng mga Pilipinong fans niya, pati na rin ng media. Talagang may tenga ang lupa at may pakpak ang balita. Walang lingon-likod pa rin siyang tumatakbo habang iniisip kung paano makakaiwas sa mga ito.

NAKIKITA at naririnig ni Terence ang nagkakagulong mga tao pero wala siyang pakialam kung ano man ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Tanging si Eunice ang iniisip niya. Malungkot na malungkot siya sa hindi nito pagdating.

      Kanina pa siyang walang kabuhay-buhay na naglalakad palabas ng NAIA. Balewala sa kanya kahit nababangga na siya ng ilan sa mga nagkakagulong tao.

      “Chom towa chushilkkayo?!

      Parang nabuhay ang buong sistema niya nang narinig niya iyon sa isang babae kasabay ng paghawak nito sa braso niya. Bigla siyang napatingin dito.

      “Chom towa chushilkkayo?” ulit nito sa sinabi. “Chom?” pakiusap nito.

      “A-ano?!” kunot-noong tanong niya. Hindi niya naiintindihan ang sinabi nito pero alam niyang Korean ang mga salitang iyon. Kung ganoon, koreana pala ang kausap niya. “I’m sorry, Miss. I can’t understand you.”

      Nagulat siya nang biglang hinila siya nito palayo sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung bakit sumusunod naman siya rito kahit sinasabi niya rito na bitawan siya nito. Nagkainteres na rin siyang alamin kung ano’ng nangyayari sa paligid.

      At napag-alaman niyang ang babaeng ito ang pinagkakaguluhan ng mga tao.

      Siya na ngayon ang humihila sa babae. Kaagad niyang pinara ang unang taxi na nakita niya pagkalabas nila ng airport at mabilis silang sumakay sa backseat niyon.

      “Manong, sige na ho, ilayo n’yo na ho kami rito,” medyo natatarantang utos niya sa tsuper. Mabilis naman nitong pinasibad ang taxi palayo roon. “Shit. Napagod ako ro’n, ah,” bulalas niya pagkatapos bumuntong-hininga. Napansin niyang nakatingin sa kanya ang babae. “Ano?” Pinandilatan niya ito.

      Bahagya itong yumuko at tumingin sa ibang direksiyon. Siya naman ang tumingin dito.

      “Saan ho kayo bababa, Sir?” tanong ng may-edad na taxi driver.

      “Sa Recto ho, Manong.”

KUNG ide-describe ni Chae-rin ang lalaking katabi niya sa backseat ng taxi na iyon, isang adjective lang ang masasabi niya rito: omanhan. Arogante.

      Gusto niyang pagsabihan ito pero nahihiya siya. Tinulungan na nga siya nito. Ano pa ba ang gusto niya? Pagpapasensiyahan niya muna ito.

      “Y-yugamimnida…” Humingi siya ng sorry rito. Dinamay niya kasi ito sa problema niyang kung paano makakalayo sa mga taong iyon kanina.

      “Ako ba ang kausap mo?” tanong nito. Hindi kasi siya tumitingin dito nang nagsalita siya.

      “Muot?” Nagtatanong siya kung ano’ng sinabi nito. Humarap na siya rito.

      “What? You know what, we can’t understand each other. Pa’no ba ‘to? Ano’ng gagawin ko?”

      “I asked what did you say,” sabi niya. Konting salita lang iyon sa English pero fluent at dire-diretso ang pagkakasabi niya niyon. Simula kasi nang maging sikat siyang aktres and at the same time commercial model, nagkaroon siya ng invites para mag-show sa ilang bansa sa Asya pati na rin sa ilang bahagi ng America. Dahil doon, nagkainteres siyang matutong mag-English para maintindihan siya saan man siya pumunta. At mabilis naman siyang natuto. Mahal lang niya talaga ang wikang kinalakhan niya dahil wika iyon ng bansa niya.

      “Hah! Marunong ka rin naman palang mag-Ingles, pinahirapan mo pa ako.”

      “What?”

      “Who are you? Why those people are running after you?” sa halip ay tanong nito.

      “You don’t know me?” Maybe you have no TV at home, gusto niyang idugtong. “You have no TV at home?” hindi niya napigilang itanong.

      “We have. But I don’t watch except news.”

      “Oh… Haven’t you heard the name Kim Chae-rin?”

      “No.”

      “W-what about… F-Francine?”

      “Hello? There are so many Francine in this world.”

      “Okay.” You might be the only one who doesn’t know me, gusto niya uling idugtong pero parang ang yabang yata ng dating niyon.

      “So, you’re a Korean,” pagbubukas nito ng bagong usapan.

      “De. Chonghwak’an,” nakangiting sagot niya. Pinagsalubong pa niya ang kanyang mga palad. She felt this so-called comfort while talking to him now. Binabawi na niya ang description niya rito kanina.

      “What? Mag-English ka nga,” natatawang sabi nito. Mukhang ganoon na rin yata ang nararamdaman nito.

      “I said yes, you’re right.”

      “Ah...” Tumangu-tango ito habang ibinubulong-bulong nito ang huling salitang-Koreano na sinabi niya.

      Pinigilan niya ang sarili na tumawa.

      “Kamsahamnida.” Nagpasalamat siya rito.

      “Come again? Ah, hayan ka na naman, eh.”

      “Thank you, I said.”

      “For what?”

      “For helping me.”

      “I-it’s okay. You’re welcome.” Tinanong nito uli sa kanya kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit hinahabol siya ng mga tao kanina. “I think I saw the media,” sabi pa nito. “It’s like you’re a celebrity. Aren’t you?”

      “What do you think?”

      “Well, maybe I should ask my younger sister or… I should watch some TV programs.”

      “I think you should.”

      Kanina pa siguro nakikinig ang tsuper sa usapan nila. Bagay na hindi naman talaga maiwasan. Nahuli kasi niyang ngumiti at umiling-iling ito habang sumusulyap sa kanila. Nakangiting sinenyasan niya ito na tumahimik. Mukha kasing kilala siya nito. Nag-sign naman ito ng approve.

      “How did you know that I’m a Korean?” Nakalimutan niya iyon na itanong kanina sa lalaki nang sabihin nitong koreana siya.

      “Simply because you speak Korean. I can’t understand it but I know the language.”

      Tumangu-tango lang siya. Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Tumingin siya rito habang ito naman ay tumitingin sa labas ng bintana. Mayamaya ay umayos ito ng upo at humarap sa driver.

      “Manong, saan ho tayo? Hindi naman ito ang daan papuntang Recto, ah,” kunot-noong pahayag nito.

      Nasa isang lugar kasi sila na walang katao-tao.

      “Tumahimik ka!” sigaw ng tsuper sabay hinto ng taxi.

      Pareho silang na-shock nang tutukan sila nito ng .45 caliber. “Ilabas ninyo ang mga pera n’yo! Ikaw!” anito sa lalaki sabay tutok ng baril dito, dalawang dangkal ang layo sa ulo nito. “Tanggalin mo ang kuwintas at relo niya at sabihin mo sa kanyang iwan niya ang bag niya. Hold up ito!”

      “O-oo.”

      Hold up?! This damn driver is a hold upper! Nakipagngitian pa naman siya sa walang-hiyang ito kanina. Bibigyan pa naman sana niya ito ng autograph bago sila bababa. Iyon pala ay isa itong hold upper.

      God help us, dalangin niya.

 

                                                                                                          (to be continued...)


Add as favourites (9) | Quote this article on your site | Views: 465

Comments (2)
1. 27-11-2007 13:43
 
wow! korean tele-novela? ano ja himo-himo mo lang ukon gin paste n copy? nami, garing bitin ba,hehe. lain lang gawa ang spelling na ba kag ang iba nga expression like yugamimnida, pwede man nga mianhamnida. tapos, kamaan man gali mag english, andut nagkorean kang nangayo tabang?lol, dapat ang hamablun na"PLs. help me!" indi ang korean nga "jom towa jusilkayo?". man-an na nga wara it may makaintindi kana kag nagakinahanglan tana kg bulig. paano gali to bay kon wara si Terence?hehe...hmmm, fiction love story gid tuod. pero, nami...post mo dayun ang sunod ha? :grin :grin
Registered
 
zeanra7
2. 28-11-2007 19:02
 
thanks for the comment, zeanra7. yeah, himu-himu ko lang ra. i'm planning to send it to PHR thats why kinanglan ko mga comment kun namian ang mga mabasa. bale kadya, hasta chapter 6 pa lang natapos ko. i-send ko lang kun na-encode ko run. man-an mo, gaagi pa raa sa scratch hay wara pa ako ti computer or laptop. 
about kay chae-rin, syempre daw nataranta pa tana kato hay duro galagas ka na sa airport that's why nag-korean tana. hehe. bay-e lang, maaram man daa ka tagalog sa mga sunod nga chapters. balak ko karaa hasta chapter 10 mong. 
sige, abangan mo lang ang mga masunod.
Registered
 
marK007

Only registered users can write comments.
Please login or register.

Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6
AkoComment © Copyright 2004 by Arthur Konze - www.mamboportal.com
All right reserved

 

 Image Image Image
ImageImage