|
sinulat ni jose f. lacaba, sa interpretasyon ni armida siguon-reyna mabuhay ka kaibigan yan ang una't huli kong tagubilin at habilin mabuhay ka sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo mayaman ako sa payo maghugas ka ng kamay bago kumain maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lamang makaiwas sa sisi huwag ka maghuhugas ng kamay kung may inaapi na kaya mong tulungan paupuin mo sa bus ang mga matatanda at ang mga may kalong na sanggol magpasalamat ka sa nagmamagandang loob matuto sa karanasan ng matatanda pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma huwag piliting matulog kung ayaw dalawin ng antok huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga walang utang na loob huwag makipagtalo sa bobo, at baka ka magpagkamalang bobo huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangan mong sumigaw huwag kang manalig sa mga bulung-bulungan huwag papatay-patay sa ilalam ng pabitin huwag kang tutulog-tulog sa pansita umawit ka kung nag-iisa ka sa banyo umawit ka sa piling ng barkada umawit ka kung nalulungkot umawit ka kung masaya ingat lang, at huwag kang aawit ng 'my way' sa videoke bar, baka ka mabaril huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan dahan-dahan sa matatarik na landas dahan-dahan sa malulubak na lugar, higit sa lahat, inuulit ko mabuhay ka maraming bagay sa mundo na nakakadismaya mabuhay ka maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas mabuhay ka sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan, kung minsan ay gusto mo nang mamatay gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig gusto mong magbigti kung napakabigat ng pasanin gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak huwag kang papatalo huwag kang susuko narinig mo ang sinabi ng awitin 'gising at magbangon sa pagkagupiling, sa pagkakatulog na lubhang mahimbing' 'gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig' 'bumangon ka kung nananawagan ang kapus-palad' ang sabi ng iba ang matapang ay walang takot lumaban ang sabi ko naman, 'ang tunay na matapang ay lumalaban kahit natatakot' lumaban ka kung iginungudngod ang nguso mo sa putik bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka buong tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo kahit hindi ka siguradong agad-agad kang mananalo mabuhay ka kaibigan mabuhay ka
Add as favourites (8) | Quote this article on your site | Views: 290
Only registered users can write comments. Please login or register. Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6 AkoComment © Copyright 2004 by Arthur Konze - www.mamboportal.com All right reserved |