Monday, October 13, 2008
Text Size
   
10 Bornean Datus: A Fact or a Myth: An Analysis Print E-mail
Posted by Alberto Toledo Paala Jr.   

    Hanggang ngayon debatable talaga ang kwento tungkol sa sampung datu, pero mayroon isang malaking tanung tingin nyo ba basta basta nalang gagawa ng kwento ang mga matatanda kung wara ti kamatuuran? pag walang dokumento na nagpapatunay hindi agad ibig sabihin noon na walang sampung datu na dumating. Kasi ang oral history ay bahagi pa rin ng Kasaysayan. hindi naman importante na patunayan natin na ang sampung datu ay totoo kasi nga wla o kulang ng dokumento. Kung susundin natin ang school of thought ni Leopold Von Rankee na Positibismo na nagsasabi na kapag walang dokumento walang kasaysayan ibig sabihin hindi totoo ang sampung datu. Makikita natin ito sa libro na barangay ni Scott. siguro pinakamayad nga himuon naton e validate ang mga ginsulat kang mga local authors halimbawa si Monteclaro, Demy Sonza, Regalado, Sebastian Serag, kag iba pa, tapos ikumpara naton sa ginsulat ni Alzina, Chirino, Santaren, Orendain, kag iba pa. ang tood gidman hindi natin ituring na totoo lahat ang kwento tungkol sa sampung datu kasi imposible naman talaga na totoo, halimbawa ang term nga Datu Puti hindi totoo yon, ang kunin natin ay ang words halimbawa nga makikita natin sa maraming akda tulad ng Bangotbanwa, Madjaas, Bulalakaw, Malandog at iba pa, siguro tingnan natin din ang diksyonaryo ni Kaufmann para mas ma validate, dapat na ilagay natin ang sampung datu sa tama nitong papel sa kasaysayan ng Antique or Panay sa kabuuan
Ang layunin ng Kasaysayan ay malinaw ang nakaraan.

Bagamt hindi totoo ang mga pangalan sa sampung datu, sa katunayan hindi rin kapani paniwala na sampu lang talaga sila maaari kasi sobra or kulang sa sampu.

para mas intindihan naton ang sampung datu, nakararapat na tingnan natin sa kabuuhan ang kasaysayan ng Timog Silang Asya noong bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. alam natin na ang ika-13 na siglo ay panahon ng pagkalat ng Islam sa buong TSA nagsimula ito Saude Arabia then Indonesia to Java to Borneo, sa pagkalat ng islam sa Java hindi lahat tumanggap ng Islam ibig sabihin may umayaw dahil sa lakas ng islam mayroong mga nagsitakas ibig sabihin posible na ang sampung datu ay ilan sa mga tumakas sa java dahil ayaw nila sa islam. Ang pag-ayaw nila sa Islam ay dala dala nila at nang makarating sila sa Visayas i.e. San Joaquin maaaring na transmit nila ang ideya na dapat huwag tanggapin ang islam. Kung kaya mapapansin natin na sa buong Pilipinas ang taga-Panay ang pinakaayaw at walang tiwala sa Islam o mga Muslim dahil ang kamalayan na ito ay dala ng historikal na proseso. Pumasok sa kamalayan ng mga Bisaya na masama ang islam kung kaya isa sa mga dahilan kung bakit hindi tayo naging Islam, kasi nakapagtataka kung bakit naging Muslim ang Mindanao at si Raja Sulayman sa Maynila samantala ang Visayas partikular ang Panay ay para bang iniwasan. Pero kung titingnan natin ito sa geography di ba dapat maging muslim tayo? kasi daanan tayo eh, how come nga nagmuslim ang Maynila sa ilalim ni Sulayman at Mindanao samantala ang visayas ay hindi? kasi nga may resistance ng mga Bisaya. ayaw nga ng mga Bisaya dahil pumasok sa kamalayan nila na ang Muslim ay masama na maaring dinala ang ideyang iyon ng sampung datu na umayaw ng islam mula Java. Dagdag pa rito mas lalong naniwala ang mga bisaysa na masama ang Muslim kasi nga sa pamimirata ng mga Moro kaya nga may watch tower sa libertad eh at maraming mga simbahan ang nakaposisyon sa mataas na lugar upang makita nila ang pagdating ng mga moro kapag umaatake

nang dumating ang mga Espanyol mayroon nang awayan sa Pagitan ng mga Bisaya at Muslim. marami ang naniniwala na sinakop ng mga Espanyol ang maynila pero kung tutuusin ang bisaya talaga ang nagsakop sa Maynila. unang una mayroong 300 lamang ang tauhan ni Legazpi na dumating sa Cebu dahil sa gutom pumunta sila sa Panay tapos naiwan pa ang ilan sa Panay, maaring 100 nalang na Espnayol ang pumunta ng Maynila kung ganun imposible nilang matalo ang tauhan ni sulayman na 4500 ibig sabihin natalo ng mga Espanyol DAW sila sulayman kung walang tulong ng mga Bisaya.

so makikta natin na may batayang historikal ang pagdating ng sampung datu sa Panay at yon ay ang pag-ayaw sa Islam mula Java na nadala sa Panay. Kahit sa kasalukuyan maraming mga taga-Panay ang ayaw o walang tiwala sa Muslim may historikal na batayan ito. Ibig sabihin produkto ito ng kasaysayan.

Hope na nakatulong me.

salamat


Add as favourites (18) | Quote this article on your site | Views: 1488

Comments (2)
1. 27-07-2007 23:32
 
This is really hard for me to read :p :)
Guest
 
jtl
2. 30-07-2007 08:26
 
Para kay jtl
Helo jtl 
 
I suggest pag nahirapan ka po basahin, wag u pilitin ang iyong sarili. kung may mga part po na gusto u linawin pwede po kayo magtanung sa akin, 
 
moreover, magpost din po kayo tungkol sa topic upang malaman ko kung mas madali basahin ang sa iyo. 
 
Maraming salamat
Guest
 

Only registered users can write comments.
Please login or register.

Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6
AkoComment © Copyright 2004 by Arthur Konze - www.mamboportal.com
All right reserved