| hide (the letter) |
|
|
| Posted by Paolo Beato Macabanti Valenzuela | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
src="http://pagead2.googlesyndication.com/pagead/show_ads.js"> Here goes the letter.. 2nd time i've written it. Di kasi naipublish yung 1st draft..ewan ko nga.. Anyway, basahin niyo na lang po.. hope you like it.. Mahal, Hello.. Sana naman nakangiti na ang baby ko ngayon.. Siguro ang guwapo niya ngayon..hehe Salamat sa lahat nang nagawa mo para sa akin.. Yung mga ala-ala na naibigay mo. naalala mo pa ba nung umakyat tayo sa kabilang bakod nila tita nenang? Sumabit yung shorts mo nun diba? Tapos nung nilagyan mo ng dinikdik na bawang yung ice cream? hehe.. ang sama pala ng lasa no? Ay, siya nga pala, naitago mo pa ba yung ginawa nating saranggola na may picture ni mang Herman? Hala ka! Lagot ka pag nakita niya yun!! Hay naku , loko-loko ka kasi eh.. Dami nating kabulastugan sa buhay!haha.. Yan, sige, tumawa ka!hehe..gusto ko lagi kang masaya..ok? I LUV U baby. Sana naman sa ngayon magiging panatag na loob mo. Iingatan mo sarili mo ha? Ayokong may mangyaring masama sa'yo. Ikaw ang buhay ko. Mahal na mahal kita. Tandaan mo 'yan. Kahit ano p Di natapos ang sulat. Pero may nakalagay na manipis na booklet sa loob ng sobre. Isa itong diary. Day 1 Dear Diary, Masakit pa ang mga sugat ko at baka matagalan pa daw ito sa paghilom sabi ng doctor. Pagkagising ko kanina, nasa tabi ko na ang anghel ko. Napakaganda ng pakiramdam ko sa kabila ng nararanasan kong sakit. Ang maramdamang nasa tabi mo ang pinakamamhal mo ay walang katulad. Ayoko siya munang mawala sa tabi ko kahit saglit man lang. Pero nakikita ko sa kanyang mga mukha na nahihirapan siya sa tuwing nakikita ako. Ayokong masaktan ang mahal ko. Kakayanin ko 'to. Para sa kanya. Nagawa kong ipakita sa kanya na kahit papano gumagaling ako.
Day 2 Dear Diary, Nandito na naman kanina ang mahal ko. Naku, loko talaga. Puro biro. Kahit papano, nakikita kong di siya nawawalan ng pag-asa. Kaya ko 'to. Kumikirot ang mga sugat ko pero ayokong makita niyang dinaramdam ko 'to. Kaya ko 'to... Kaya pa..
Day 3 Dear Diary, Sabi ng doctor, mahirap daw ang kaso ko, di pa daw nila alam kung kakayanin pa ng katawan ko ang kalagayan ko. Natatakot ako. Kanina ay napaiyak ako ng patago ng makita kong ngumiti ang mahal ko. Di ko alam kung ano iyon. Naiiyak ba ako sa tuwa dahil nakikita ko siyang maligaya? O naiiyak ako sa takot na baka di ko na masilayan pang muli ang mga ngiting iyon? Di ko alam. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at sinundan agad ito ng tila ba gustong makawalang init. Panatag mo loob mo Leissa. Day 4 Dear Diary, Mukhang masigla ang pinakamamahal ko ngayong araw ha. Kahit papano nakikita ko ng sumisigla siya araw-araw. Tawanan, biruan. Sa tuwing ginagawa niya iyon, nanghihina ako kesa sa matuwa. Pero ayokong ipakita ito sa kanya, ayokong maging sanhi pa ito ng kahinaan ng loob niya. Kaya ko pa'to.
Day 5 Dear Diary, Diyusko, heto na ata ang pinaka malalang pagsubok. Ayon sa doctor, wala daw silang nakikitang improvement sa'kin. Hanggang kelan na lang ba ako? Ayokong malaman ito ng pinakamamahal ko. Kahit papano, nagawa kong tumayo at makapaglakad kanina. Naipakita ko sa kanyang di siya nabigo sa binibigay niyang lakas sa akin. Tulungan pa sana ako ng Panginoon na maipon ang kaunti kong lakas. Habang nagbibiruan kami kanina, sumakit ang mga panga ko, sa tila namumuong hikbi na aking pinigilan. Naibulong ko na lang sa isip ko, 'wag kang iiyak.. 'wag na 'wag kang iiyak Leissa.. Day 6 Dear Diary, Isang araw na naman ng pagpapanggap. Mali ba ang ginagawa ko? Kasinungalingan ba ito? Sana mapatawad ako ng mahal ko. Sumisigla na siya sa bawat araw na lumilipas. Kanina ay umatake na naman ang sakit ko, muntik ko nang di nahagilap ang hininga ko. Buti at nagawan ko ito ng palusot. Idinahilan ko na lang na nasamid ako ng laway ko. Kinagat niya rin ito at kahit papano, wala siyang nahalata. Sana naman tuloy tuloy na 'to.
Day 7 Dear Diary, Mahinang mahina na talaga ako. Di ko na alam kung kakayanin ko pa ito. Sana naman 'wag muna akong bibigay sa kalagayan ko. Kaya ko pa 'to. Kaninang nakita ko siyang masaya, napanatag na ang loob ko. Tapos na ang pakikipaglaban ko. Pakikipaglaban kong isakripisyo ang lakas ko para sa pinakamamahal ko. Sa mga halik niya naramdaman kong lumiwanag na ang mundo ko, dahil ang mga pangamba ay akin nang naiwaglit sa sip niya. Isang sulat ang aking iiwan sa kanya. Sana naman magsilbi itong dagdag na lakas sa kanya. "Sir? may pinaaabot po sa akin ang ma'am." Nagulat ako sa nurse na siyang bumasag sa katahimikan ko habang taimtim kong binabasa ang natitirang mga sulat sa diary ni Leissa. Isang medyo kusot na papel ang kaniyang inabot sa akin. May kakaunting pangungusap na nakasulat dito na siyang gawa ng tila nanginginig na mga kamay dahil sa balu-baluktot nitong pagsulat. kahit ano pang mangyari, ipangako mo sa aking di ka iiyak. ha mahal ko? Pasensiya ka na atngayon ko lang ito nadugtungan dahil di ko na nakayanan antok ko kagabi. Sorry ha? Mahal na mahal kita. Matutupad na ang pangarap mo. Magkikita na tayo sa simbahan. Nagmamahal, Leissa
"Nagawa po niyang tapusin yan sir sa kabila ng kanyang kalagayan. I'm so sorry sir, hanggang diyan na lang po. She's gone," sabi ng nurse na may tono ng pagpapanatag sa kanyang mga tinig. "Ako nga po pala ang naglagay niyang sulat po sa polo niyo kagabi bago kayo umalis. Utos po ni ma'am. Kahit daw di niya matapos, basta siguraduhin ko daw pong makakarating 'yan sa inyo. Nilagay ko na din po yung diary na pinasusulat niya sa akin bawat gabi na ini-inject ko po siya ng insulin," pahabol pa nito ng makitang hawak ko ang sobre. "I'm so sorry sir," at agad na din niya akong iniwan sa labas. Maya-maya pa'y lumabas si tita na umiiyak. "Anak, patawad. Di ko sinabi sa'yo ang totoong kalagayan niya. Umiiyak siyang pinakiusap ito sa'kin," sabay akap. Sa mga sandaling 'yon nagmistulang estatwa na lang akong tumatayo habang nakaakap si tita sa akin. Wala na. Wala na akong maramdaman. Di ko alam kung hanggang kelan ako magiging ganito. Lalo na 'pag nagkita na kami na aking mahal sa simbahan, di sa araw ng aming kasal, kundi sa araw ng libing niya. Diyusko. Add as favourites (16) | Quote this article on your site | Views: 731
Only registered users can write comments. Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6 |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||





gud work pao

