| hide |
|
|
| Posted by Paolo Beato Macabanti Valenzuela | ||||||||||||||||||||||||||||
|
src="http://pagead2.googlesyndication.com/pagead/show_ads.js"> ![]() Sa lahat po, just enjoy what i wrote! How far will a person go just to hide the pain? "Be strong".. Yun lang talaga ang kaya kong ibulong sa kanya. Dagling sumakit ang panga ko sa namumuong hikbi na aking pinipigilan. Nanghihina ako sa tuwing nakikita ko ang aking anghel na nakahimlay sa ulap ng kumot at napapaliguan ng dilaw at nakakasilaw na ilaw. Kahit na naka aircon ang recovery room, ramdam ko pa rin ang init ng tanghaling araw dahil sa bintanang nakatapat sa kanyang higaan. Siya si Leissa, maputi, mahaba ang buhok, maamo ang mukha at may pinakamagandang mata na nakita ko sa tanang buhay ko ... Mahina pa siya at di pa gaanong nakakapagsalita dahil sa operasyong pinagdaanan niya. Hinaplos ko ang malalambot at malalamig niyang mga palad. "Hmmmm.." napaungol lang siya ng ako'y kanyang makagisnang nakaupo sa tabi niya. "Baby naman, 'wag ka ngang mamroblema diyan. Gagaling ka na raw sabi ng doctor, kaya ipunin mo na lang muna ang lakas mo para makakain na tayo ng ice cream, ok?" Ngumiti siya. Sa sandaling iyon, para bang binuhusan ako ng malamig na tubig at tumayo ang mga balahibo sa batok ko. Agad din itong sinundan ng tila gustong makawalang init sa katawan ko. Tuwa? Takot? Di ko alam. Matutuwa ba ako dahil nalampasan na niya ang pagsubok na iyon? Bakit ganun na lang ang naramdaman ko? Di kaya natatakot lang ako na baka isang pagkukumbinsi lang yun sa sarili ko na talagang gagaling na ang anghel ko?. Di ko talaga alam. "Baby ko, babalik ako sandali lang at kukuha ako ng maiinom, ok?" Humigpit ang hawak niya. Sa mga mahihina niyang mga kamay ay para na ring sinasabi niyang, 'wag kang umalis' in a silent way. Namuo na naman ang mga luha sa mga mata ko. Pero 'wag.. 'wag kang iiyak.. 'wag kang iiyak... "Asus..baby ko talaga! Kala mo naman pupunta akong abroad. Diyan lang ako sa canteen, bibili ng mineral water." "Kahit na." Nagulat ako nang lumabas iyon sa mga labi niya. With all her effort, she managed to say those two lines! Wala akong nagawa. Umupo ako ulit sa tabi niya. "Hay naku, papatayin pala ako ng baby ko na 'to sa uhaw eh! Sige ka, pag natuyuan ako ng tubig sa katawan, magmumukha na 'kong alien!" Ngumiti ulit siya. Sa tuwing ginagawa niya yun, lalo akong nanghihina kaysa sa matuwa. Pero ayokong ipakita sa kanya. Ayokong maging sanhi pa lalo ng kanyang kahinaan. "Joke lang baby ko. Hehe.. Siyempre ayoko din namang iwan ang prinsesa ko dito noh! Mamaya iba pang prince charming ang humalik sa sleeping beauty ko! Eh di sayang lang yung costume ko!" Natawa na siya sa huling pagkakataon. Ramdam ko, lumalakas siya sa tuwing ginagawa ko iyon. Sana nga. Maya-maya pa'y nakatulog na siya. Araw-araw, binibisita ko siya sa ospital. Umuuwi lang ako pag nakakatulog siya, at babalik din naman ako bago pa man siya nagigising... "Hinanap ka niya kanina," sabi ng Tita. Siya ang ina ni Leissa. Matagal na din kaming magkakilala simula pa ng una kong ligawan ang anak niya. Mabait si Tita. Wala akong problema sa kaniya. "Talaga po? Natagalan po kasi ako dun sa kabilang kanto, ma-traffic." "Mabuti nga at maayos na din ang kalagayan niya sabi ng doctor. By one to two weeks, pwede na raw siya ilabas." Ang balitang yun ang nagbigay sa akin ng dagdag na lakas. Pagkatapos nun, humalik ako sa Tita at dumeretso sa loob. Nakakatayo na siya at medyo masigla na rin. Araw-araw, nagtatawanan kami. Unti-unti na nga siyang gumagaling. "Baby, 'pag nakalabas na tayo dito, punta tayo ng dagat ha? Tapos magdadala tayo ng ice cream dun!", tuwang-tuwa niya itong sinasabi sa 'kin. "Oo ba! Tapos pakainin din natin yung mga alimango dun! Hahaha!" "Oo nga noh? Tapos biglang lumabas yung mga sirena tapos makikikain din sa 'tin! Naku, kukulangin tayo niyan!" Tawanan. Bawat araw nakikita ko ng gumagaan ang kanyang pakiramdam. Unti-unti na ring lumiliwanag ang mundo ko. Kahit na minsan, napapahinto siya sa tawa dahil sa sobrang saya tuloy pa rin. "Naku baby, teka lang, time out. Hehehe. Nasasamid ako sa laway ko! Hahaha." tapos uupo at ngingiti sa 'kin. "Naku, nagpapa-cute ka lang naman eh! Tigilan mo nga ako!" At sabay na naman kaming tatawa. Parang nasuklian na din ang pagtitiis kong itago ang awa at sakit ng loob ko sa bawat sandaling nakikita ko siyang masaya. Kung dati'y may halong pangamba, ngayo'y wala na. Ang mga sandaling bumabagsak ako sa kakaiyak sa tuwing uuwi ako sa amin ay balewala na rin... Tapos na ang pakikipaglaban ko. Pakikipaglaban kong isakripisiyo ang sariling kaligayahan para sa pinakamamahal ko... "Baby? Akin ka lang ha?" sabay titig niya sa mga mata ko. "Oo naman!" at akin ding hinaplos ang buhok niya. Maya-maya'y magkalapit na ang aming mga labi. Dun ko naramdaman ang pangangailangan niya sa akin. Tila ba sinasabi niyang 'wag kang mangamba dahil nandito lang ako sa tuwing dinadama namin ang pagpapalitan ng aming pag-ibig. "Mahal kita," nang maghiwalay na ang aming mga labi. "Mahal din kita," tugon ko sa mga salitang iyon. Yun na 'ata ang pinakamahiwagang pagkakataon na naramdaman ko. Isang linggo makalipas, tuwang-tuwa na akong bumalik ng ospital para sunduin siya, nakausap ko siya sa telepono minutes before. "Baby, dala ka nga pala ng icecream!" tuwang-tuwa siya sa kabilang linya. "Oo ba!" Sinuot ko na ang polo ko at maya-maya pa'y napansin ko ang sulat na nakalagay sa bulsa nito. "I love you card, para sa mahal ko" Natuwa ako't nag-abala pa siyang sulatan ako. Mamaya ko na babasahin sa ospital. Nang makarating na ako, habang hinihintay ko silang lumabas ng recovery room, umupo muna ako sa corridor at binasa ang sulat. Napangiti ako dahil sinabi niya sa sulat ang lahat ng naging masayang ala-ala namin. Palabiro talaga at puro kalokohan ang nakasulat, ng biglang nabitawan ko ito at napatulala...
(Pipol, hanggang dito na lang muna, di ko pa tapos ang letter eh... Sori po talaga...)
Add as favourites (18) | Quote this article on your site | Views: 642
Only registered users can write comments. Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6 |
||||||||||||||||||||||||||||






napaiyak aq....talagang mahal n mahal ng sumulat si leissa....napakaganda ng kwento....sana sila na ang magkatuluyan....wish you all the lucks....makakaya nyong harapin ang hamon ng buhay... 
dad indi sad ang ending 