|
“Im going 2 d States, Erika. Don n ko mg-aarl. Bgo ako umalis, gus2 ko lng tlgng mlmn ang 22o. Den, f u do luv me, pumunta k d2 s bhy pra pigilan ako. Hihintyin kita hnggng s mailipat lhat ng mga buhangin s kbilang side ng hourglass n hwak ko. Exactly 5 pm mttapos 2. Pag d k dumting, pupunta n ko ng airport.”
Mag-isa, tumungo siya, si Erika sa library upang mag-research tungkoll sa assignment nila sa English. Napansin niyang mukhang puno na yata. Wala na siyang mauupuan. Nagbasa-basa muna siya ng mga libro sa bookshelves pero ang mga mata niya’y nagbabantay kung sino ang aalis at siya ang papalit sa kinauupuan nito. Pero ilang minuto na siyang nakatayo, wala pa ring umaalis. Naiinip na siya. At naiinis! ‘Yong iba kasi nagkukuwentuhan lang naman. Ayaw naman niyang magpa-xerox na lang kasi nanghihinayang siya sa pera. Mahirap lang sila kaya kailangan at dapat magtipid. Hindi rin naman siya ganoon katalino para magkaroon ng scholarship. ‘Di rin siya active sa mga school activities. Average student lang siya at ‘di niya nila-lang ‘yon. Dahil ang importante sa kanya ay hindi nasasayang ang perang pinampapa-aral sa kanya ng kanyang ina. Third year na siya sa kursong AB Communication Arts. Mag-iisang oras na siyang nakatayo. Nawiwili na rin siya sa binabasa niyang magazine. “Miss, kanina ko pa napapansin, mukhang kanina ka pa nakatayo d’yan.” Isang baritonong boses iyon mula sa likuran niya. Hindi niya ito napansin dahil nawiwili nga siya sa binabasa. “Miss,” tawag uli nito. Kung hindi pa siya hinawakan nito sa balikat, hindi niya talaga ito mapapansin. Medyo nagulat siya. Agad siyang napatingin sa kamay nitong nakapatong sa balikat niya. Agad rin naming tinanggal iyon ng lalaki. “Kanina ka pa ba d’yan?” tanong niya. “Oo. Kanina pa kasi kita napapansin. Kanina pa kita tinitingnan.” Nakatingin ito sa kanya nang diretso. Naiilang siya. Kasabay ng pagtalikod niya upang ibalik ang magazine sa kinalalagyan niyon, nakaramdam siya ng kilig. Kahit sandali lang niya kasi itong nasulyapan, rumehistro na agad sa isip niya ang guwapo nitong mukha. Tila ginuhit iyon ng puso niya doon. Alam niyang nakatingin pa rin ito sa kanya. Nararamdaman niya ‘yon. Nahihiya tuloy siyang humarap. Kaharap niya ang pintuan palabas. Gusto niyang dire-diretsong lumakad palabas doon. Pero ‘di niya magawa dahil parang may nag-uutos sa kanya na ‘wag gawin iyon. Gusto niyang makilala ang lalaki. “Jerome,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili sabay lahad ng kamay sa kanya nang humarap siya. Gusto niyang mahawakan ang tila malambot na kamay na iyon. “Erika.” Inabot niya ang kamay nitong malambot nga. Mukhang ito ang tipo ng lalaking mayaman at nag-iisang anak. Hindi nga siya nagkamali doon. Sa loob ng isang linggong pagiging friends nila ni Jerome, marami na siyang nalaman tungkol dito. Nasa California ang mga magulang nito. Palibhasa unico hijo, lahat ng gusto nito ay nasusunod. Gusto nitong mag-stay sa Pilipinas kaya binilhan ito ng bahay sa isang subdivision at kotse na ginagamit nito ngayon papunta sa university. Third year na rin ito sa kursong Business Administration.
Si Anton ang masugid na manliligaw ni Erika. Kababata niya ito. Nagsiselos ito sa tuwing makikita siyang kasama si Jerome. “Kayo na ba ng lalaking ‘yon?” tanong nito nang niyaya siya nitong mag-usap ng silang dalawa lang. Malapit iyon sa gym. Walang tao sa paligid. “Akala ko ba ako?... Tayo!” dagdag pa nito. ‘Di siya nito hinintay na sumagot muna. “A-anong tayo?!” gulat niyang tugon. “Walang “tayo”!” sigaw niya. “Narinig mo ‘ko? Walang tayo! Walang kami! Magkaibigan lang kami ni Jerome!” Iniwan niya itong walang nasabi sa sinabi niya. Sa unang pagkakataon, niyaya siya ni Jerome for a dinner. At ‘yon din ang unang pagkakataong makikipag-dinner si Erika. Ang lugar, sa bahay ng lalaki. Ang mga pagkain, special delivery mula sa isang mamahaling restaurant. Binigyan siya nito ng three red roses bago ito naupo. Magkaharap na sila ngayon. “Erika, did you know why I invited you for this dinner?” pagbubukas nito ng usapan. “B-bakit?” Nanginginig ang boses niya. “Bakit nga ba?” ulit niya pero mukhang alam na niya ang isasagot nito. “Kasi… I want to tell you that… that I want us to be more than friends. Okay lang ba sa ‘yo?” “S-sorry, Jerome… ‘di ko muna masasagot ‘yan ngayon.” Nagdadalawang-isip kasi siya. Si Anton ang gusto ng kanyang ina para sa kanya. Mabait si Anton. Seloso nga lang. Mabait din si Jerome at hindi seloso. Kaso ayaw ng kanyang ina na makipag-relasyon siya sa mayaman. Iniwan sila ng kanyang ama na isang mayaman. Hindi na niya ito nakita mula pa noong iniluwal siya sa mundo. Kaya kung sasagutin niya si Jerome, siguradong ‘di papayag ang kanyang ina. Kung galit siya sa kanyang ama, hindi siya galit sa mga mayayaman. Dahil hindi lahat ng mayayaman ay tulad ng kanyang ama. Napatunayan na niya iyon.
Dahil may sakit sa puso ang ina ni Erika, si Anton ang sinagot niya. Ginawa niya iyon dahil gusto niyang mapaligaya ang kanyang ina. Pero kahit na ito ang nangyari, sige pa rin ang panliligaw ni Jerome sa kanya. Ginawa na rin niya ang lahat para ma-turn-off ito sa kanya pero heto at sige pa rin ito, ayaw siyang lubayan. “P’wede ba, Jerome, tigilan mo na ‘ko?!” tugon niya sa pangungulit nito. Nasa Student’s Center sila. Maraming tao. Maraming nakakarinig ng usapan nila. “Hindi! Alam ko ako ang mahal mo, hindi s’ya!” Nagulat siya nang lumuhod ito at hinawakan ang mga kamay niya. “Please, Erika… ang totoo ang gusto kong malaman.” “Ano ba?! Tumayo ka nga d’yan!” pabulong pero malakas na saway niya. “Hindi ako tatayo dito hangga’t ‘di ko naririnig na mahal mo rin ako!” Namumula na siya sa hiya. Padami nang padami ang mga tao. Tila nanonood ang mga ito ng taping ng isang teleserye. Maya-maya’y dumating si Anton. Parang ito ang naging director doon na nagsabing “cut!” dahil tumigil ang concentration ng lahat. “Umalis ka na! ‘Wag mong guluhin ang girlfriend ko!” pagtataboy ni Anton kay Jerome habang hawak sa kamay si Erika. Hindi pa rin iyon naging hadlang kay Jerome. Patuloy pa rin siya sa panliligaw kay Erika. Lagi namang umiiwas ang huli, nagtatago sa tuwing makikita ang lalaki. Pero tinatago ni Erika sa likod ng puso niya ang mga luhang sanhi ng sarili niyang kagagawan. Ang pagtatago ng tunay niyang nararamdaman para sa kaligayahan ng isang mahal sa buhay. At ang mga luhang iyon ay pumatak rin mula sa kanyang puso sa pamamagitan ng kanyang mga paningin.
Two months after, wala pa ring sagot si Jerome mula kay Erika. Three months… Four… Six… Ten… wala pa rin. Mukhang ‘di nga siya talaga mahal ni Erika.
Im going 2 d States, Erika. Don n ko mg-aarl. Bgo ako umalis, gus2 ko lng tlgng mlmn ang 22o. Den, f u do luv me, pumunta k d2 s bhy pra pigilan ako. Hihintyin kita hnggng s mailipat lhat ng mga buhangin s kbilang side ng hourglass n hwak ko. Exactly 5 pm mttapos 2. Pag d k dumting, pupunta n ko ng airport. ‘Yon ang huling text na na-receive ni Erika mula kay Jerome na sa mga oras na ito ay tahimik na tinititigan ang hawak na hourglass. Nagdadalawang-isip siya kung pupunta o hindi. Ang totoo, mahal niya si Jerome, mahal na mahal. Pero engaged na siya kay Anton. Fifteen minutes to five… Wala pa rin siyang nabubuong desisyon. Nine minutes… Natataranta na siya. Panay ang paroo’t parito niya. Three minutes… Bahala na!
As usual, traffic. Nakakainis! reklamo niya sa sarili. Hanggang sa two minutes after five na. Wala na akong oras para sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman… Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Wala nang oras… pa’no na ‘to? Bumaba siya ng taxi at tumakbo. Medyo malayo pa ang lugar ng lalaki mula roon pero kinaya niyang takbuhin iyon. “Pasalamat ka, nabasag ‘yong hourglass,” nakangiting wika ni Jerome nang pagbuksan siya nito. “Pasalamat ka kay Kyo.” Si Kyo ang pusang binili nito last month. “Akala ko pupunta ka na ng airport ‘pag ‘di ako dumating ng five?” hinihingal niyang tanong. “Magiging unfair naman ako kung orasan ang pagbabasehan ko gayong ang sabi ko, eh, ‘yong hourglass ang gagamitin ko. At siguro ayaw ni Kyo sa ginawa ko kaya bigla na lang s’yang tumalon sa mesa at nasagi n’ya ‘yong hourglass.” Sabay silang napatingin sa mahimbing na natutulog na pusa. Masayang-masaya niyang niyakap si Jerome. Gumanti rin naman ang lalaki na parang hindi na bibitaw sa kanya. “Pa’no nga pala si Anton?” “Nag-usap na kami. Pati ni inay. Naiintindihan nila ako. Anton let me go dahil mahal n’ya ako. Pero s’yempre, ikaw talaga ang mahal ko.” “Ako rin. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo.” Buong pagmamahal na inangkin nila ang labi ng isa’t isa. Malapit sila sa pira-pirasong hourglass na nagkalat sa sahig.
-Ang tunay na pag-ibig ay naghihintay kahit ga’no pa ‘yon katagal.
-Mark Aldeme Siladan Add as favourites (2) | Quote this article on your site | Views: 340
Only registered users can write comments. Please login or register. Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6 AkoComment © Copyright 2004 by Arthur Konze - www.mamboportal.com All right reserved |