bawat haplos
ng usok sa dibdib
umabot hanggagng baga
nalilimutan ang oras.
naglalarong pangungusap
binubuga sa bibig
kaawitan ng mga kulisap
namumutawi sa kawalan.
unti-unting nauubos
ang minutong kasama ka
sa bawat paglapat
ng labi ko sa iyo'y nakakaginhawa.
sa lamig ng gabi
kapi-kapiling
ang iyong init
nagpapaalab ng damdamin.
hinahawi'y parang ulap
kawangis ay alapaap
tumatalukbong sa kasalukuyan
hithit buga.
bulsa'y numinipis
paulit ulit na hinahanap
buhay ay tuyot
upos ikaw'y katibayan.




