| Lihim |
|
|
| Posted by Inday Emmy | ||||||||||||||||
|
src="http://pagead2.googlesyndication.com/pagead/show_ads.js"> Pilit kong itinago Pagmamahal kong nag-aalimpuyo. Nang di mahirapan At di na muling masaktan. Mas pinili kong ikubli Nang sa gayo’y di mag-atubili. Walang bukas na inaasam, Walang kahapong babalik-balikan. Ganito ang pag-ibig Lalo pa’t lihim: Wari’y hangin, Na nalalanghap Ngunit di makakalap. Wari’y tubig Na nararamdaman Ngunit di mahahawakan. Wari’y isang talang pilit abutin Ngunit di maangkin. Pag-ibig na kubli, Walang masayang na sandali. Di maisasabuhay At di mawawalay. Lahat ng alaala, Nakaukit lamang sa mga pahina Ng aklat ng buhay Na kailanma’y di mamatay. Add as favourites (18) | Quote this article on your site | Views: 392
Only registered users can write comments. Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6 |
||||||||||||||||















