News Letter
Headlines - Bugas, Paubos run Print E-mail
Posted by Jojo Paala   

Bugas paubos ron

Samtang nagatahaw ang diskusyon sa kontrobersya nga ZTE Broadband nagapangibabaw sa tulad ang isyu sa kakulangan kang suplay kang bugas sa Pilipinas. Epekto dya kang pagkontrol kang mga nasyon nga kato anay naga-eksport kang bugas kanaton partikular ang Vietnam kag Thailand. Luwas pa dya kara, epekto man dya kang industriyalisasyon tulad kang pag konbert kang mga taramnan kang paray sa mga sabdibisyon partikular sa mga probinsya kang Bulacan kag Pampanga. Tungod kadya nag-isot ang produksyon kang paray kag ginakinahanglan nga magdugang kang pondo ang aton gobyerno para mag-import kang amo nga produkto para tostosan ang ginalauman nga taggutom.

Read more...
 
Spratlys kag Antiqueño sa Korea Print E-mail
Posted by Jojo Paala   
Spratlys: Lupang Pangako?
 
Ang langis ay maituturing na isa sa pinakamahalagang produkto sa mundo ngayon. Dahil dito, nagkandarapa ang mga bansa sa kung saan maaaring kumuha nito. Ito ay dahil kung sinuman ang may hawak nito ay siyang kumokontrol ng mundo.

Samantala, dahil sa walang tigil na paggamit ng produktong petrolyo unti unti nang nauubos ang langis sa gitnang silangan kung hindi pa man tuluyang naubos. Dahil dito, minabuti ng mga bansa na maghanap ng alternatibong mapagkukunan ng nasabing produkto.
Kailan lang, habang humihina ang usapin sa kontrobersya na ZTE pumutok ang balita na mayroong kasunduan ang tatlong bansa i.e. Tsina, Pinas at Vietnam na magkaroon ng Oil Exploration sa Spratly. Kinumpirma pa nga ito ng Philippine National Oil Company (PNOC) na mayroong pagdungka ng barkong pag-aari ng Tsina sa daungan ng Palawan. Ang nasabing barko ay sangkot sa seismic mapping ng mga isla sa Spratly. Ayon sa Presidente ng PNOC na si Antonio Cailao ang nasabing barko na Nan Hai 502 ay pagmamay-ari ng China Oilfield Services Ltd, bilang bahagi ng Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) ng Pilipinas, Vietnam at Tsina. Ayon sa nasabing kasunduan ang Tsina ang siyang mamuno sa pangangalap ng mga data, Vietnam ang magproseso nito at ang Pilipinas ang magbigay ng interpretasyon at/o pag-aanalisa.

Kapag may matuklasang langis sa Spratly at mga paligid nitong isla aasa tayong dadaming bansa pa ang gustong makisangkot dito upang makipag-agawan sa langis. Sa katunayan ang tinatawag nating Pacific Ream ay lumulubog sa langis. Dahil dito, aasa rin tayo na ang pasipiko ay maging sentro ng atensyon ng mga makapangyarihang bansa sa mundo.
 
ginsulat ni Jojo Paala 
 
 
 

 
Read more...
 
 Image Image Image
ImageImage