Kinaray-a.com
Welcome, Guest
Please Login or Register.    Lost Password?
Re:Isang panawagan para sa mga tiga Bugasong (1 viewing) (1) Guest
Go to bottom Post Reply Favoured: 0
TOPIC: Re:Isang panawagan para sa mga tiga Bugasong
#24092
SyoKB (User)
Datu Lubay
Posts: 45
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
Isang panawagan para sa mga tiga Bugasong 1 Month, 2 Weeks ago Karma: 0  
Tagalog ako pero ang asawa ko tiga Bugasong. Sabihin nyo ng hindi ako lumaki dyan pero wag nyo sabihin wala akong pakialam sa lugar na tinitirhan ko. Malaki ang pakialam ko sa Bugasong dahil minahal ko na ang bayan na yan.

Kayong mga original na tiga Bugasong, gaano nyo kamahal ang bayan nyo? Bakit nyo sisirain ang dapat sana'y inaalagaan nyo? Mula pagkabata magkakakilala na kayo. Magkakasama maglaro... marami ng pinagdaanan. Bakit kayo-kayo nagpapatayan? Taragis na pulitika yan. Langyang alak yan.

Lagi ko na lang nababalitaan si ganito pinatay, si ganito binaril. Kung ako nagsasawa sa balita na ganyan... kayo, hindi pa ba? Tapos na ang eleksyon, may nanalo na. Oo marami dyan ang nagkasamaan ng loob, bumaligtad man o hindi... intindihin nyo na lang. Ganyan talaga ang buhay. Parepareho lang tayong may mga kinampihan. Wag na tayo magtirahan. Ang loyalty nyo, sa tao nyo ibinibigay. Sa bayan nyo kaya ibigay. O kahit sa pamilya nyo lang. Puro kayo asaran. Puro na lang kayo gantihan. Puro yabangan, paputok pa kayo ng baril. Para saan yun? Para katakutan? Sino ba ang nag-upo sa inyo sa pwesto na yan? Di ba yung mga taong tinatakot nyo din? Eh kung makatama pa yung ligaw na bala nyo? Sorry, aksidente lang? Magisip naman kayo. May mga pamilya kayo di ba? May mga anak. Madadamay pa yung mga inosente sa pinaggagawa nyo eh. Makapatay kayo, magtatago kayo. Paano yung mga iiwan nyo? Kanino sila aasa? Maaatim nyo ba yun?

Tigilan nyo na yan... magkaisa naman sana tayo sa ikakaunlad nating lahat. Ang dami natin dapat tulungan dyan. Yun na lang ang gawin natin lahat. Tumulong. Yun naman ang sinumpaan natin di ba? Kaya nga tayo tumakbo sa eleksyon, para makatulong. Patunayan nyo sa mga tumutuligsa sa inyo na karapatdapat kayong nakaupo dyan. Pag nagawa nyo yun, sa inyo ang loyalty ng tao. Wala pa kayong kaaway.

Nung nagbakasyon ako dyan, bakit nyo ako iilagan? Kalaban nyo ba ako? Dati tayong magkakainuman, di ba? Marami ang naglabas ng sama ng loob. Nagkahiwahiwalay na magbabarkada dahil sa pulitika. Sabi ko, bayaan nyo na at intindihin na lang. Kailangan buhayin ang pamilya nila eh. Sayang daw ang pinagsamahan. Hindi naman talaga sayang eh... kung maiintindihan lang sana kung bakit kailangan magkaiba ang desisyon. May dahilan kang kumampi kay ganito, siguradong may dahilan din silang kumampi sa iba. Pareho lang, di ba? I-respeto nyo ang isa't isa. Wala pang gulo.

Ito po ay panawagan, para tayo'y magkaisa na. Walang saysay kung patuloy pa kayong magaaway. Nakakapagod yun. Kawawa pa ang ibang madadamay.

Para sa mga kumampi sa amin noon, maraming salamat sa tiwala at sa pagkikipaglaban. Pero ayoko naman makita o malaman na buhay nyo naman ang ipinapalit nyo sa pakikipaglaban nyo para sa pamilya namin. Isipin at unahin nyo rin ang pamilya nyo. Malaki ang utang na loob namin sa inyo... hindi kayang bayaran ng pera yun. Sana sa susunod, mas magandang kasama namin kayong buhay na nakatingin sa magandang pagbabago ng bayan natin. Bigyan natin ng pagkakataon manilbihan sa bayan ang mga nakaupo. Malay nyo, malaki pala ang maitutulong nila. Mas makakagawa sila para sa bayan kung hayaan muna natin silang magtrabaho.

Sa mga nakapwesto ngayon... mataas ka man o mababa. Ano ba ang dahilan ng pagtakbo nyo? Di ba para makatulong? Kung iba pa ang dahilan nyo... bumaba kayo dyan. Sa dami ng naghihirap sa bayan natin, uunahin nyo pa ba mga sarili nyo? Kung makapaglalagay kayo ng dagdag sa makakain ng mga mahihirap sa atin, kahit isang platong kanin pang araw araw... malaking tulong na yun. Yun lang naman talaga eh... makakain ng wasto araw araw, lalo na ang mga bata. Simple lang ang buhay sa bayan natin... wag nyo sanang guluhin. Ibigay nyo ang ipinangako nyo, kundi man matupad agad... makita man sana ang pagpupursigi nyo at ang hindi pagsuko. Malaking pag-asa na yun.

Ang kasabihan na "kung sino ang humawak sa palayok, mauulingan din". Hindi na totoo yun. Lalo sa panahon ngayon. Hi-tech na noh!!! Kung palayok pa din gamit mo, kumuha ka ng pot holder... yan ang ipanghawak mo. Ang ibig sabihin, ang dapat na panghahawakan mo ay ang pagtulong sa kapwa. Siguradong di ka mauulingan. Walang taong matatanggap na tawagin syang corrupt, pwede mo man itago sa mata ng bayan... eh sa sarili mo... ang bigat pasanin nun.

At isa pa, ang hiram na tapang sa alak... walang gandang maidudulot sa inyo yan. Masarap uminom pero kung tama lang. Kung todo ang tama, mali na yun. Maghahamon kayo sa labas... "INAWAAAY, INAWAAAY", sino ang papatay sa inyo? Eh di yung hindi lasing. Ano ang dapat itawag sa inyo? Kayo na ang sumagot.

Isang bayan lang tayo. Lahat tayo magkakapitbahay. Damayan ang kailangan natin. Di ba mas magandang maglakad sa labas ng walang kinakatakutan o iniilagan?

"Ang Bugasong... ang Antique... LOVE KO 'TO. IKAW LOVE MO?"
 
Report to moderator   Logged Logged  
 
Last Edit: 2008/11/25 06:43 By SyoKB.
 
SyoKB
  The administrator has disabled public write access.


#24128
are_nize77 (User)
Datu Puti
Posts: 374
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
Re:Isang panawagan para sa mga tiga Bugasong 1 Month, 2 Weeks ago Karma: 5  
 
Report to moderator   Logged Logged  
 
This thread of togetherness has bound us throughout our lives it now sustain us, as we face the burden of our common cross with the certainty that our shared pain has a mighty purpose.. We are the one."
  The administrator has disabled public write access.


Go to top Post Reply
Powered by FireBoard